Monday, October 31, 2005
American Idol 4
Which American Idol 4 finalist are you most like????
Carrie Underwood
Awwww you sweet little country bumpkin.......
*anisah* made a wish at 4:41 PM |
0 granted her wish
*******
Sunday, October 30, 2005
Go to Hell!!!
Sa taong nagmamay-ari ng numerong 09154329055: bwisit ka talaga! Nag-text na ito sa akin dati pa tapos pag tinatanong ko kung sino siya, sabi niya huwag ko na raw alamin. Tapos nagtext na naman kanina ng "Hey aNisah!". Sino ba naman ang di kakabahan na may nagtetext sayong di mo kakilala pero kilala ka?! Eto ang aming "conversation":
Anisah: Who's this?
?: Wag k nang magtanOng!
Anisah: Wag ka na rng mgtxt!
?: Mukha mO!pLing m maganda k! (aba! ako pa ang feeling!)
Tapos nag-reply ako na kaya ko lang naman tinanong ay dahil wala talaga siya sa phonebook ko at ang freaky talaga na may basta-basta na lang magtetext sayo na di mo kakilala. Tsaka kaya ko nga sinabihan na huwag nang magtext ay dahil hindi naman siya mukhang titigil. Hindi ko na naman yun pinansin dati kaso lang bigla na namang nagtext ngayon kaya inaway ko na. Nakakainis na kasi e. Hay. Di ko na nireplayan ulit dahil naha-highblood na talaga ako.
Eto pa. Kapag may nagtetext sakin na di ko kilala, lagi kong nirereplayan ng "Who's this?" Kapag naghahanap lang ng textmate o kung anumang kabarbaruhan sa buhay ay hindi ko na pinapansin. Kaso lang sa pagkakataong ito, kilala niya ako at hindi lang once nag-text. So siyempre ang reaction ko talaga ay mag-panic at isiping freaky ang taong ito.
Hay. Nakakainis talaga. Sana talaga wag na siyang mag-text. Grrrr...
Dagdag lang: Sa tingin ko talaga ay nangti-trip lang itong taong to kaya ako naiinis sa ganitong level. Nakakapang-init talaga ng ulo ang mga taong walang magawang matino sa buhay kaya nanggugulo na lang ng iba. At talagang may "Hey aNisah!" pa siyang nalalaman e hindi naman kami close!!!
*anisah* made a wish at 7:24 PM |
3 granted her wish
*******
Tuesday, October 25, 2005
Chorvalu: Ang Pagbabalik
Bakit nga ba ganito ang pamagat? Wala lang. Wala lang akong maisip. Hehe. Ayoko naman ng Chorvalu Part 2 o kaya Chorvalu: The Next Episode. Kaya ayan na lang. Parang “Darna: Ang Pagbabalik” (let’s go Anjanette Abayari!).
Lumabas na ang grades namin sa 114 last week at sa kabutihang-palad ay BAA pa rin ako. Yun nga lang, nung panahong din yun ay napag-isipan kong mag-shift na lang sa BA pero napagdesisyunan kong bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang accounting at ibuhos ang aking full powers sa pagkakataong ito. Samakatuwid, hindi muna ako manonood ng TV, hindi makikipag-usap sa mga tao, magkukulong sa kwarto at imememorize ang buong IAS kasama na ang BC... JOKE LANG!!! Exag naman ang mga yun. Basta I’ll do my best at tingnan natin kung anong mangyayari. Tulad nga ng sinabi ko dati sa aking mga friends, kakayanin ko naman ang accounting pero parang ayaw ko nang kayanin. Ngayon, susubukan kong mahalin ang accounting with all my heart. Ewan ko ba, pag nagbabasa ako ng IAS parang nasusuka ako. Tsaka si Sir Gregorio kasi, BI! Overworked and underpaid daw ang accountants. Syempre na-discourage naman ako. Paano ba naman, ang hirap-hirap ng accounting pero magiging underpaid din naman pala?! Di bale na, sana matuloy ako sa pagkuha ng law para masaya. Hehe.
Hay. Ano nga ba ang ginagawa ko ngayong sem break? Wala naman masyado – matulog, manood ng TV, mag-internet, at kumain kapag gabi (parang bampira). At dahil wala akong masyadong magawa, ikukuwento ko na lang ang ilan sa aking mga muni-muni tungkol sa mga napanood ko sa TV:
* Nung isang araw ay napanood ko ang “In the Name of Love” video ni Yasmien Kurdi. In fairness, maganda naman pala talaga ang boses niya (mas maganda pa kay Jennylyn). Yun nga lang, mas maganda siyang pakinggan na lang sa radyo kaysa panoorin sa TV.
* Napanood ko rin uli yung “This is the Moment” na video ni Erik Santos. Basta yung nanalo siya sa Star in a Million. Grabe, talaga palang tumaba siya. Lalo niya tuloy naging kamukha si Roderick Paulate. Kaya pag napapanood namin ang video niya, lagi kaming napapasigaw ng “Kuya Dick! Kuya Dick!” Hehe.
* Napanood ko na naman for the nth time ang Armageddon nung Linggo at napapaiyak pa rin ako sa last part. Basta nung nagpa-iwan si Bruce Willis atsaka nung nagpapaalam na siya kay Liv Tyler. Ewan ko ba kung bakit. Basta napapaluha talaga ako. Epekto siguro ng theme song. Mwaha.
* Ang weird ng Darna. Period.
* Kadiri ang Panday. Masyado rin siyang over hyped. Sana mag-flop siya.
* Kadiri rin ang PBB. Ang pangit pala ng taste ni Sam. Bakit naman si Chx?!
Ay, ngapala. Uno ako sa PI! Yehey!!! Nagbunga rin ang aking efforts na magbasa ng gabundok na readings (pwedeng-pwedeng ipang-bagsak). Haha. :D
Quote ulit: :)
It was a high counsel that I once heard given to a young person, "Always do what you are afraid to do."
-- Ralph Waldo Emerson
*anisah* made a wish at 1:11 PM |
5 granted her wish
*******
Wednesday, October 19, 2005
Woohoo!!!
Yehes!!! New layout!!! Nakuha ko yung skin sa blogskins.com. Ang cute kasi nung bata sa kaliwa kaya naaliw ako. In fairness, medyo nahirapan akong mag-isip ng theme. Tapos nagpaturo pa ako sa kapatid ko kung paano gumawa ng code. Hehe. Medyo marunong na ako!!! Hahaha. Andami ko ring inayos sa layout ah. Wala kasing masyadong laman yung original na skin. Hehe. Wala lang. Ang saya talaga. Yung tagboard nga pala, nasa kanan. Just scroll down.
Hay. Napaka-fulfilling talaga. Hehe. Salamat din pala dun sa gumawa ng skin. Nandyan yung link niya sa bandang kanan, yung nasa pinakababa.
Hehe. Happiness talaga!!! Ayusin ko naman yung Friendster layout ko. Baboosh!!! :D
*anisah* made a wish at 9:37 PM |
1 granted her wish
*******
Tuesday, October 18, 2005
Chorvalu
[Naku. Halatang wala akong maisip na matinong title. Sensya na.]
Sem break na namin ngayon. Yun nga lang, hindi ko siya masyadong ma-feel kasi hindi pa masyadong tapos yung finals namin sa law tsaka hindi pa lumalabas yung grades namin sa ibang subjects. Kaya ayun, di pa ako masyadong makapag-relax. Pero okei lang din kasi ngayon na ang panahon para makabawi ako sa tulog (dahil sa sangkaterbang puyatan last sem). Tapos mas marami akong oras para mag-internet. Hehe. Kailangan ko nang sulitin ang pag-iinternet ngayon habang hindi pa sem break ng mga kapatid ko. Kung hindi, naku, paunahan na naman ito. Haha.
Nakakainis din kasi wala akong mahanap na matinong blog skin para sa aking blog. Ang gusto ko kasing theme sana ay “stars” o kaya “princess.” Hehe. Sabi naman ng kapatid ko, gagawan ako ng layout ng kaklase niya. Sana nga. Hehe. Wala kasi talaga akong alam sa mga HTML chorva na yan. Tinatamad naman akong mag-aral niyan ngayong sem break kasi andami ko pang gustong gawin.
Hmm... iniisip kong magsulat ng creative something ngayong sem break. Ano kaya? Magsulat kaya ako ng script para sa teleserye tapos ipasa ko sa ABS-CBN o kaya sa GMA? Magka-karir kaya ako dun? Tingnan natin.
Birthday pala ng aking kapatid na si Goldie kahapon. Ang sarap ng cake. Tapos may ice cream pa. How happy.
*anisah* made a wish at 7:22 PM |
0 granted her wish
*******
Friday, October 14, 2005
Sadness
No need to explain. Accounting finals namin kanina. :(
Hay. Kailangan ko na talagang mag-contemplate tungkol sa aking buhay.
*anisah* made a wish at 6:43 PM |
6 granted her wish
*******
Tuesday, October 11, 2005
Confused
Oo. Tama yang basa mo. Confused ang title ng entry ko. Bakit? Kasi confused nga ako. Parang gusto kong kumanta ng “Heto ako.... litong-lito sa ula-an!!! Walang masisilungan....” (o di ba confused talaga ako???).
Bakit nga ba ako confused? Una, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil isa na lang ang natitirang exam namin sa accounting. Masaya ba kasi matatapos na ang paghihirap namin? O malungkot dahil isa na lang ang pagkakataon naming makabawi? Pangalawa, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Hindi ko lang talaga alam. Period. Oh well. Sabi nga nila, “Do your best and God will do the rest.” Sana totoo nga yun.
Mapunta naman tayo sa aming pasaway na exam sa 114 kahapon. 9am yun dapat magsisimula pero dahil early birds at napaka-prepared ng mga prof namin ay lampas 11 na siya nagsimula. At ano naman ang ginawa namin sa aming idle time? Ayun. Nagkwentuhan at nagkantahan. Nakakaasar nga kasi unti-unti nang nauubos ang enerhiya ko sa kahihintay. Paano ba naman iyan, e kailangan ko talagang mag-conserve ng energy kasi nga nagfa-fasting ako. Siguro nung nagsimula ang exam, 50% na lang ang enerhiyang natitira sa akin.
Super haba pa ng exam. 20 items sa theory at 41 “short” problems. Short daw ha? E yung ibang problems dun, mga 30 minutes naming diniscuss sa klase. Yung iba, may shortcut naman yata pero nakakaalangang gamitin kasi baka mamali pa ako. Better safe than sorry.
Medyo yan lang naman ang nangyari kahapon. Talagang halos buong araw lang naman kasi kaming nag-exam. Hay. Nashonga-shonga talaga kami.
Ay, may masaya rin naman palang nangyari kahapon maliban sa aming 5-hour non-stop terror accounting exam. Nilabas na yung 182 grades namin. At UNO ako!!! Haha. Pero lahat naman yata sa klase namin uno. Hehe. Tapos kwento ni Maila, nasa top 5 daw ako sa exam sa finance. Sana totoo nga yun. Uy Maila, peace tayo! Mas masaya lang kung ako mismo ang makarinig/makakita. Hehe. Para hindi naman puro kalungkutan dahil sa accounting ang nadarama ko. Haha. E sa PI kaya? Sana tunay ngang mabait si Ma’am. Nahilo ako sa Austin Coates ah! Come to think of it. Sana pala mayroon akong utak na parang kay Rizal. Life would definitely be better (and easier). Hehehe.
Inspiring Quote for the Day:
"Dreams are renewable. No matter what our age or condition, there are still untapped possibilities within us and new beauty waiting to be born."
-- Dale E. Turner
Hay. Sana ganyan nga talaga. Ano kaya ang “untapped possibilities” within me? :)
*anisah* made a wish at 6:29 PM |
1 granted her wish
*******
Friday, October 07, 2005
EXAG!!!
Exag talaga ang araw na ito. Dapat kasi, mayroon kaming make-up class sa accounting ng 9-12 am. Tapos biglang sabi ni sir, 1-4 na raw. Tapos, naging 4-7 naman. Hay. Sobrang gutom ako buong araw sa skul. Ang sakit na talaga ng tiyan ko. Ngunit dahil dakila ako, TINIIS ko yun (yehes naman!). In fairness, sa payat kong ito, hindi biro ang magpakagutom. E kasi naman, medyo konti lang ang nakain ko kaninang umaga kasi nga akala ko hanggang 12 kami (tsaka mabagal talaga akong kumain). Balak ko pa namang matulog na lang sa bahay pagkatapos nun. Pero dahil exag ang araw na ito... ayun.
Exag din ang klase namin sa accounting kanina. Ang 4-7 ay naging 4-8. Ang daming kailangang aralin! Naku, pramis talaga! Hindi ako mag-iinternet bukas. Todo na ‘to! At in fairness talaga, gutom na talaga ako nung nagkaklase kami kaya hindi ako masyadong nakapag-concentrate. Buti na lang madali yung napuntang tanong sa akin. Pero pagkatapos ko namang uminom ng tubig at kumain ng dalawang pack ng biscuit, medyo umokei na ako. Kaso lang talaga si sir, laging may pahabol na lesson. E kaysa naman hindi niya ituro sa amin yun di ba? Hay. Gudlak na lang talaga.
Naipasa na pala naming kanina yung finals sa 182. Pinakita rin sa amin ni sir yung pre-finals grade namin. Kahit pala maka-75 kami sa finals ay makaka-uno pa rin kami. Hehe. 2 accounting exams and law finals to go! (Labo!)
Hay naku talaga. Pag sem break na, iba na ang mga topic ng blog ko. Puro kasi acads! Pero ganun talaga kasi finals week ngayon at wala namang masyadong exciting na nangyayari. Mwaha.
Bago na rin pala yung layout ng Friendster ko. Special thanks to Maila Arce for my hair and make-up... joke! Salamat pala sa pagtuturo kung paano landian ang Friendster layout. Hehe. Saka ko na lang din yun aayusin pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko (exag no? parang pasan ko ang buong mundo).
Ay eto, last na. Bago kami magklase kanina, nanood sina Wannah ng Princess Diaries 2. E isa pa naman yun sa mga pelikula na GUSTO ko talagang panoorin (tulad ng LOVESTRUCK) but due to some fortuitous event ay hindi ko napanood. Kaso lang nabitin kasi magsisimula na ang klase. Owel, balang araw, makakapanood din ako.
Special mention pala sa aking coup b’ etat friends: Kristy, Maila, Jen, Aira, Chris, Rich, Rei, at Lawrence. Anong dress code sa Monday? Hahaha. :)
So long, gulong! :D
*anisah* made a wish at 11:11 PM |
1 granted her wish
*******
Tuesday, October 04, 2005
Unproductive na Naman
Grabe, 4:30 na ako nagising kanina. Hindi ko alam kung bakit antok na antok ako. Maaga naman akong natulog kagabi. Mag-aaral pa ako mamaya para sa finals namin bukas sa finance. Hay. Kailangang mag-aral mabuti para makabawi sa LAHAT ng subjects. GC na kung GC! Huwag lang mawala ang scholarship (sayang din ang pera no). Nagfa-fasting pala ako ngayon. In fairness, hindi pa ako gutom. Osha. Magbabasa na nga ako.
*anisah* made a wish at 5:40 PM |
0 granted her wish
*******
Monday, October 03, 2005
Windang, Atbp.
May make-up class kami kanina sa aming pinaka-favorite na subject: ang BA 114.1. Grabe talaga. Nararamdaman kong windang na naman ako sa 4th exam. At dahil diyan, kailangang mag-aral mabuti para tumaas ang grade (sana nga tumaas). Na-gets ko naman ang lesson kanina kaso lang hindi ko pa masyadong na-absorb. Hay. Gudlak talaga.
Pagkatapos ng klase ay nagpichur-pichur kami sa FloroFoto. Hehe. Ang saya nga eh. Naka-pink kami ng friends ko. Cliquish. Mwaha. In fairness, ang ganda ng pichurs namin (syempre magaganda kami eh *wink*). Pagkatapos nun ay pumunta kami sa Greenwich Philcoa para sa blowout ni Rich (belated happy birthday!) at case meeting para sa 182 finals. Kahit medyo napahaba ang kuwentuhan namin, may na-accomplish naman kami para sa case. Ganun kami ka-efficient.
Simula na pala ng Ramadan bukas. Bukas na rin ako mag-aaral para sa finals namin sa finance sa Wednesday. Sana medyo madali lang siya at maraming bonus. Para masaya ang buhay. Haha.
Kapapanood ko rin pala ng Pinoy Big Brother kanina. Haha. Sobrang nakakatawa. Lalo na nung pinakita yung “boyband” nina Franzen, Uma, at Sam. Pinaka-benta talaga sina Franzen at Jayson. Sama mo na rin si Uma. Basta laughtrip talaga. Biruin mo, nakatulog na ako dito sa sala. Nagising lang talaga ako dahil sa kanila. Hardiharhar.
Sige. Hanggang dito na lang. Goodbye, cherry pie! :D
*anisah* made a wish at 5:24 PM |
1 granted her wish
*******
Sunday, October 02, 2005
Unproductive
Hay. Late na akong nagising ngayon. Mga 10 pm pa lang kagabi, tulog na ako. Pero nagising na ako kanina, mga 1 pm na. Hay talaga. Wala pa akong nagagawang matino, maliban na lang sa pagsulat ng OrgPres article para sa Guilder. Hindi pa rin ako nakakapag-ayos ng gamit at naggugupit ng kuko. Hay talaga. Mag-aaral pa pala ako para sa 114 mamaya. Sana maaga akong matapos (i.e. 11 pm) para makapanood pa ako ng CSI:Miami. Tagal na rin akong hindi nakakapanood ng CSI eh. Lagi kasi akong nagbabasa kapag gabi (or tulog). Mwehe.
*anisah* made a wish at 5:34 PM |
6 granted her wish
*******
Saturday, October 01, 2005
Konti na Lang...
... at sem break na. Medyo pahinga kami ngayon kasi tapos na ang cases namin sa 141 at 101. Kaso nga lang. mukhang walang katapusan ang 114 dahil may make-up class pa kami sa Monday. 4th exam na rin daw namin sa Saturday. Good luck talaga. Nerdy mode na naman ako.
Kagagaling ko lang sa case meeting namin kanina. Case kasi ang finals namin sa 182. Hindi pa namin tapos pero okei lang. Sa Friday pa naman ang submission. Sana matapos na namin sa Monday para masaya. Finals na rin kasi sa finance sa Wednesday. Hay. Sa tingin ko, kailangan kong bumili ng lifetime supply ng kape. Nahihirapan kasi akong labanan ang antok eh. Kaya nga nakakatulog ako sa klase. Kahit nga sa meeting namin kanina, nakatulog ako sandali. Dati, hindi ako nagkakape pero dahil ang daming kailangang gawin, wala na akong ibang choice.
Pinadala ko pala kay Aira yung CD niya ng Hale. Sayang, hindi siya pwedeng kopyahin. Mukhang mapapabili pa ako ng album nila. Ang sarap kasing pakinggan ng mga kanta nila eh. Lalo na yung "The Day You Said Goodnight." Nawawala talaga ako sa sarili ko. Hehe. Hay. Gusto ko talaga ng CD nila! Sana meron pang ganun sa market no. After exams na lang ako bibili para may "reward" ako sa sarili ko. Hehe.
Halos puro acads pala ang naisulat ko. Ganun talaga ang buhay sa BA (well, not completely). Namimiss ko tuloy ang mga org ko. Hindi ako masyadong nakakapunta lately kasi andaming acads stuff.
Napag-usapan pala sa meeting kanina ang creative writing nina Kristy at Maila. Na-inspire tuloy ako. May mga naiisip kasi akong mga kwento kaso lang feeling ko corny or cheesy kaya hindi ko na sinabi sa kanila. Feeling ko tuloy, masyado akong naapektuhan ng mga telenobelang pinapanood ko. Oo, nanonood ako ng teleserye -- mula Mga Anghel na Walang Langit hanggang Ikaw ang Lahat sa Akin. Minsan, nililipat ko sa Encantadia at Sugo (kapag tinopak, sa Darna na rin) kapag ako lang ang mag-isa sa sala. Addict talaga ako sa TV. Kahit StarTalk pinapatulan ko. Haha.
In fairness, napahaba yata ang entry ko. Saka ko na lang pala aayusin ang layout nito. Hihingi pa ako ng tulong sa experts. Hindi kasi ako magaling sa kompyuter e. Hanggang MS Office lang ang kaya ng powers ko. Pagtiyagaan niyo na lang ang template na ito. Mwehe. :D
Joke for the Day:
Bakit binigyan ng antidepressants ang ballpen?
Kasi blue siya.
[translated from comedycentral.com]
*anisah* made a wish at 3:57 PM |
2 granted her wish
*******