* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Saturday, October 01, 2005
Konti na Lang...

... at sem break na. Medyo pahinga kami ngayon kasi tapos na ang cases namin sa 141 at 101. Kaso nga lang. mukhang walang katapusan ang 114 dahil may make-up class pa kami sa Monday. 4th exam na rin daw namin sa Saturday. Good luck talaga. Nerdy mode na naman ako.

Kagagaling ko lang sa case meeting namin kanina. Case kasi ang finals namin sa 182. Hindi pa namin tapos pero okei lang. Sa Friday pa naman ang submission. Sana matapos na namin sa Monday para masaya. Finals na rin kasi sa finance sa Wednesday. Hay. Sa tingin ko, kailangan kong bumili ng lifetime supply ng kape. Nahihirapan kasi akong labanan ang antok eh. Kaya nga nakakatulog ako sa klase. Kahit nga sa meeting namin kanina, nakatulog ako sandali. Dati, hindi ako nagkakape pero dahil ang daming kailangang gawin, wala na akong ibang choice.

Pinadala ko pala kay Aira yung CD niya ng Hale. Sayang, hindi siya pwedeng kopyahin. Mukhang mapapabili pa ako ng album nila. Ang sarap kasing pakinggan ng mga kanta nila eh. Lalo na yung "The Day You Said Goodnight." Nawawala talaga ako sa sarili ko. Hehe. Hay. Gusto ko talaga ng CD nila! Sana meron pang ganun sa market no. After exams na lang ako bibili para may "reward" ako sa sarili ko. Hehe.

Halos puro acads pala ang naisulat ko. Ganun talaga ang buhay sa BA (well, not completely). Namimiss ko tuloy ang mga org ko. Hindi ako masyadong nakakapunta lately kasi andaming acads stuff.

Napag-usapan pala sa meeting kanina ang creative writing nina Kristy at Maila. Na-inspire tuloy ako. May mga naiisip kasi akong mga kwento kaso lang feeling ko corny or cheesy kaya hindi ko na sinabi sa kanila. Feeling ko tuloy, masyado akong naapektuhan ng mga telenobelang pinapanood ko. Oo, nanonood ako ng teleserye -- mula Mga Anghel na Walang Langit hanggang Ikaw ang Lahat sa Akin. Minsan, nililipat ko sa Encantadia at Sugo (kapag tinopak, sa Darna na rin) kapag ako lang ang mag-isa sa sala. Addict talaga ako sa TV. Kahit StarTalk pinapatulan ko. Haha.

In fairness, napahaba yata ang entry ko. Saka ko na lang pala aayusin ang layout nito. Hihingi pa ako ng tulong sa experts. Hindi kasi ako magaling sa kompyuter e. Hanggang MS Office lang ang kaya ng powers ko. Pagtiyagaan niyo na lang ang template na ito. Mwehe. :D

Joke for the Day:
Bakit binigyan ng antidepressants ang ballpen?
Kasi blue siya.

[translated from comedycentral.com]



*anisah* made a wish at 3:57 PM |

*******

Comments:
Oo nga nagiging antukin ka.. anong sandali? matagal kaya nakatulog kanina!! hehe pati sa klase nakakatulog ka eh tsk tsk.. haha!! Go easy with the coffee.. pag nasobrahan ka.. no effect na cya.. at magiging nerbyosa ka!!!

haha anisah. nahiya ka pa sabihin ang tungkol sa pagsulat moh!! hello?! ako kaya itong amateur writer at walang kaalam alam sa pagsusulat.. pabasa ako!! kahit corny ayos lang.. as if naman hindi pa ako nasanay sau noh?! wahehe!!

Actually, Ung cd pwede naman kopyahin.. wla lang kasing software si Kristy para dun.. microsoft windows media player pwede..

Ano pa ba? wla na!! magpink ka sa monday ha!!! tapos magpapic tayo sa floro!! yey! group pic!!! lahat nakapink!!! hehe
 
Matagal ba akong nakatulog? Exag, di ko napansin. Sensya na talaga. May konti naman akong naitulong e.

Actually, wala pa akong naisulat. Mga ideas pa lang.

Ganun? Pwede palang kopyahin yung CD? Di bale na. Bibili na lang ako para masaya. Haha.
 
Post a Comment

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com