So wala akong maisip na matinong title. Pero akalain mo, pang-60 ko na pala to?! Anyway, dahil dalawang linggo akong di nagboblog, marami-rami na rin ang nangyari sa akin.
The Plague
Ang harsh pala masyado ng term. Ang gusto ko lang iparating ay nagkasakit ako. At hindi lang yung paubo-ubo at pasipon-sipon. Nilagnat ako, nasuka, napapunta nang madalas sa CR, sumakit ang ulo, at ang hindi ko kinaya sa lahat, nabara ang ilong ko. Ultimo Vicks inhaler, di epektib. Oh yes, ang stress kaya nun. Hindi ako makatulog kahit masama na ang pakiramdam ko kasi hindi nga ako makahinga. Ayan tuloy, umabsent ako for two days at na-miss ko pa ang oh-so-important na lecture sa 116 (na kahit pinasukan ko ay mukhang di ko magegets). Kahit nung pumasok ulit ako, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko (read: nasusuka ako habang 116 lecture – o normal lang talaga yun?). Ayoko talagang magkasakit. Sayang sa oras kasi andami pang kailangang asikasuhin sa buhay. At dahil nga madali akong mabangag, di pa rin ako maka-function nang maayos pagkatapos kong ”gumaling”. Bad timing talaga dahil panahon pa naman ng birthday ko nun.
The Birthday
Speaking of birthday, bente na ako. Para sa mga hindi nakakaalam, ka-birthday ko po sina Geri Halliwell at Inday Badiday. Sa mga hindi nakakaalam ng birthday nila, August 6 po yun. Di gaya last year na todo ang lakwatsa (sa Greenhills, Glorietta, at MetroWalk), sa SM Fairview lang kami napadpad. Ayun, nanoood ng Ant Bully, kumain, at namili ng ilang damit. Pagdating sa bahay, nag-blow na ako ng cake. Yey! Pero natulog na rin ako nang maaga kasi may klase pa sa susunod na araw at tulad nga ng nabanggit ko, medyo masama pa ang pakiramdam ko nun. Maraming salamat sa mga bumati sa akin! :D
The Exam
Second exam sa 116 nung Huwebes. Speechless ako. Sino ba naman ang hindi? Maliban na lang kung feelingero ka at mina-mani lang kuno ang cost accounting. Nawa’y matino naman ang iskor ko. Buti na lang talaga at medyo madali ang midterms sa marketing. Although feeling ko I could have done better kung hindi ko crinam ang pagbabasa. At in fairness, naka-48 out of 60 ako sa auditing exam. Kinabahan kasi ako nung nalaman kong nag-check sila ng exam nung absent ako at may mga nakakuha ng line of 3. Kahit paano, naisalba ang 4 units. Speaking of midterms, di pa ako nakakapagbasa sa 147!!! Ay, chapters 1 and 2 pala. Pero hello, immaterial yun no. Ang dami pang babasahin. Wala kaming 147 hanggang August 30 pero asa pa tayo na magagamit ko ang free period para magbasa.
The Flower Girl
Yes friends, napanood ko na ang Sukob! Grabe, nung unang parts eh talagang naka-dilat ako habang nanonood. Kaya lang nung biglang bumulaga si Flower Girl mula sa bubong ng van eh na-trauma na ako. Ayan tuloy, for the rest of the movie, semi-nakapikit ako at nakatagilid habang nakaupo. Ibang level naman kasi ang gulat factor dito no. Buti talaga, hindi ko to pinanood pagkatapos ng 116. Kasi naman. Nakakatakot talaga si Bernard Palanca. At ang last scene, di ko talaga inasahan yun. Next watch (parang barok pala): Click.
The Trailer
Parang ang daming palabas na gusto kong panoorin:
Penguin, Penguin, Paano Ka Ginawa? – Kasi ang ku-kyut ng penguins, gusto ko ng pet na ganun (ngek!).
Eternity – Jologs alert! Moments of Love mode na naman ako. Ewan ko ba.
Kubrador – Mukhang maganda ang pelikulang ito (magiging multi-awarded ba ito for nothing?). At para hindi naman puro ka-jologan ang pinapanood ko.
The Devil Wears Prada – Kakaibang Meryl Streep ang matutunghayan dito. Sinubukan ko ring basahin ito (akalain mong meron pala ako nito) kaya lang di ko kinaya. Parang... it’s not me. :)
The Butterfly Effect 2 – Wala lang. :P
The Boobtube
Malapit nang matapos ang My Girl kaya dapat todo-subaybay na to. Palabas na rin ang Love Story in Harvard sa GMA. Mukhang interesting ang istorya nito. Tsaka peyborit ko rin si Kim Tae Hee, hangkyut kasi niya. Kaya lang hindi ko type ang theme song. Parang… ang lost. E pag sa GMA ba naman, parang sirang plaka kung magpatugtog. Iisang kanta pa yan ah. At sa wakas, nakakapanood na rin ako ng last season ng Alias. Finally.
The Ending
Whew. Medyo haggard din ako ngayon lalo na sa Guilder kasi release ng newsletter, ACLE, at may kachorvahan sa BAC na kailangang icover. Idagdag pa diyan ang backlog ko ng mga dapat basahin. Sabi ko pa naman, iiwasan ko ang mag-cram subalit hindi pa bumabalik sa 100% ang radioactive level ko.
At bago ko pa makalimutan, congrats sa StratMark team – Tinacs, Kaka, Lia, Gabby, Maggie, Chad, Koodei at Evette – dahil nanalo sila sa... StratMark (duh)! :)