Sunday, July 30, 2006
Stranded
Kamusta naman ang ating 5-day vacation (courtesy of Glenda?)? Well, di ako productive as expected dahil: una, walang silbi ang PLDT dahil nawawala ang dialtone pag umuulan at therefore, hindi ako makapag-internet (which in turn means na hindi ko magawa ang mga org stuff na dapat kong gawin); ikalawa, late na akong nagigising dahil siyempre masarap matulog pag umuulan; at ikatlo, nababad na naman ako sa panonood ng telebisyon. O di ba ang saya-saya? Kaya lang hindi ko nautilize nang maayos ang aking free time para makapagbasa ng PSA. Ayan tuloy, crinam ko yung 1st exam namin sa 120 (na tinake namin kanina).
----------------
Speaking of 120 exam, sana’y ginawa na lang niyang 100 items ang exam para hindi sayang ang idle time namin. Multiple choice kasi yung exam, 60 items for 2 ½ hours. Natapos kami nang maaga kasi di ba, multiple choice na nga lang, aabutin pa kami ng 10 years. Kaya nga sana 100 items na lang para pag nagkamali kami, 1% lang ang loss namin for every mistake. Kasi di ba kung over 60, 1.67% (or roughly 2%) ang loss (at talagang kinompute ko no?). Owel, nawa’y maayos naman ang iskor ko. 4 units ang auditing no.
----------------
At dahil tag-ulan, umuuso na naman ang sipon. Tsk tsk. At siyempre may sipon naman ako. With matching non-stop sneeze pa. Badtrip nga eh, inatake pa ako habang nag-eexam sa auditing kanina. Kakahiya tuloy, nasa harap pa ako at malapit sa teacher’s table. At di pa ako nakatulog nang maayos kagabi dahil dun. Tsk tsk. Don’t worry, I always cover my nose pag inaatake ako. Haha.
----------------
May bago akong nadiskubreng palabas sa Studio 23, ang Living with Fran. Actually, last year pa lang to. Nakakatawa siya kasi andun si Fran Drescher. Benta talaga siya sakin, nasal voice and everything. Hehe. May bago na naman akong susubaybayan!
*anisah* made a wish at 6:25 PM |
0 granted her wish
*******
Sunday, July 23, 2006
Go SENIORS!!!
Whooo!!! Sa wakas, overall champion na kami sa BACBACAN! :D At dahil umattend kami at nag-1st sa cheerdance, may +10 kami sa Marketing exam. Haha. Congrats sa mga señorito at señorita! :)
----------------
Napanood ko na rin ang House of Wax kagabi. Grabe, ang freaky naman ng istorya. Anong klaseng twisted hobby naman ang paggawa ng wax sculpture gamit ang wax at… patay na tao? Hindi naman siya nakakatakot kaya lang andaming kadiri na eksena (e.g. nung pinilas ni Dalton yung mukha ni Wade). Buti na lang talaga at andun si Kuya Chad Murray (feeling close?).
*anisah* made a wish at 2:30 PM |
1 granted her wish
*******
Friday, July 14, 2006
Bitter Happiness
Hay. Nakaka-bitter talaga ang mga bagay-bagay. Di ko na lang ishashare. Basta bitter ako. Pero mas okay na ako ngayon kumpara kanina. Grabe, na-down talaga ako ah. Pero okay na nga ako (ang kulit). Hmph, bahala na nga sa susunod.
----------------
Sa kabilang banda, naging masaya naman ang linggong ito dahil nakapanood na ako ng Superman Returns at Pirates of the Carribean 2: Dead Man’s Chest. Ang labo nga ng istorya ng Superman. Pero kebs, nakakatawa naman si Kitty at ang gwapo ni Brandon Routh. Haha. Yung Pirates, maganda naman. Sobrang nakakatuwa yung unang part, yung na-stranded sila sa isang island na may mga natives. Benta talaga. Ang lakas ngang tumawa ni Myo eh. Hehehe. Ay, salamat pala kay Myo. Iba talaga pag libre. :D
----------------
Premiere na ng last season ng Alias sa Studio 23 sa Lunes. Gusto ko talagang manood nun. In fairness, napanood ko ang kauna-unahang episode ng Alias. Kaya parang feeling ko na dapat tapusin ko yun. Haller, asa pa ako no. E sa bahay namin, majority rules. Bago mag-My Girl, kailangan nasa Channel 2 na. Ipagdasal na lang nating walang ganang manood ng TV ang mga kasama ko rito pag Lunes. For the sake of Michael Vaughn (na hindi naman daw yun ang tunay niyang pangalan). At ni Sidney Bristow na rin. :P
----------------
Matapos pagsawaan ang Buttons, may bago na akong LSS: Even though the guys are crazy / Even though the stars are blind / If you show me real love baby / I’ll show you mine… At kamusta naman? Mali pa yata ang kinakanta ko. Nakalagay sa Myx guys pero pag sinesearch ko sa net, gods. Owel.
*anisah* made a wish at 8:12 PM |
0 granted her wish
*******
Friday, July 07, 2006
Excitement
Waaah!!! Gusto kong manood ng Superman Returns! Buti na lang walang 147 sa Martes kaya’t may panahon para maglakwatsa. Hahaha. At manonood din kami ng Pirates of the Carribean 2 sa Miyerkules! Yipee na naman! Grabe, hapit na talaga akong manood ng sine lalo pa’t ngarag na ako sa acads *GC alert*. Magaganda rin ang palabas sa HBO Saturday Nights at Big Movie ngayong buwan. Oh happiness. :D
----------------
Napanood niyo na ba yung MTV ni Paris Hilton? Yung Stars are Blind? Nakakaloka yun ah. Akalain niyong kumakanta pala yun. Wala siguro siyang magawa.
----------------
At kamusta naman ang aking LSS ngayon? I’m tellin’ you loosen up my buttons babe (Uh huh) / But you keep frontin’ (Uh) / Sayin’ what you gon’ do to me (Uh huh) / But I ain’t see nothin (Uh). Huwag kakalimutan ang Uh huh (di ba Aira?)! :P
----------------
Nakakaasar ang ABS-CBN! Bakit walang My Girl pag Biyernes??? Iyon na nga lang ang inaabangan ko nang todo eh. Hmph. Ibagsak si Charo Santos!
----------------
In fairness, epektib na kontrabida si Angelika dela Cruz sa Bituing Walang Ningning. Hindi dahil magaling siyang umarte kundi dahil naaasar ako pag nagfi-feeling si Lavinia. Yung tipong wala raw siyang ka-level. Ngek, e kahit di ko masyadong gusto si Sarah, di hamak na mas magaling naman yun kay Angelika no. Tsaka wala siyang ibang kinakanta kundi O Giliw Ko. Bad song choice. Hmph.
----------------
Osha, pagpasensiyahan na ang aking pagka-jologs. Yan ang kaligayahan ko eh. Namimiss ko tuloy ang aking idle days nung bakasyon kung kailan pwede akong manood magdamag nang walang iniintinding chorva. Chenelyn chever talaga oh.
----------------
Ipapalabas pala sa Film Center ang She’s the Man sa July 20. Gusto ko sanang manood kaya lang wala pa akong kasama.
*anisah* made a wish at 7:45 PM |
1 granted her wish
*******
Saturday, July 01, 2006
Uplate
Tatlong linggo pa lang ang klase, haggard na haggard na kaming lahat. Kamusta naman ang ating mga mata? Naku, baka ang grado kong 750 ay umabot pa sa 1000 (FYI, 375 lang ang grado ng salaming sinusuot ko kaya essentially, medyo bulag pa rin ako :P). Tsk, tsk. Wag naman sana. At ngayon ko lang narealize na first exam na namin sa 116 next week. Darna, please save me again. 6 units ’to no.
----------------
Inupload ko na pala sa aking Friendster ang pic ko nung nag-swimming kami nung May. Actually, lima yun. Kaya lang di ko na inupload yung iba kasi sobrang halata dun na tumaba ako. Oo, tumataba pala ako. Akalain niyo? At least kahit paano hindi na ako masasabihang malnourished ako. Hehe.
*anisah* made a wish at 3:25 PM |
0 granted her wish
*******