* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Sunday, June 18, 2006
First Week

Nung Martes ang block welcome namin sa mga freshies. Maayos na sana ang takbo ng mga bagay-bagay subalit sa kasamaang-palad, umulan nang malakas. Kawawa tuloy ang freshies na una naming dinala sa Grandstand. Ayun, lumipat kami sa tambayan kung saan nagsiksikan silang lahat. Pagkatapos nun, pumunta na kami sa klase. Si Ma’am Cacnio (new prof) ang prof namin sa Marketing samantalang si Sir Salita (old prof – haha) na naman sa 147.

----------------

Nung Miyerkules naman, nanood kami nina Jen at Jeona ng Lake House sa Gateway. Maganda naman ang pelikula kaya lang mapapaisip ka kung anong panahon ba yun? Medyo mahirap kasing madistinguish ang 2004 sa 2006. Hindi ko rin kasi napanood ang Korean movie na pinagbasehan nito, yung Il Mare, kaya di ko alam kung tunay bang maganda ito.

----------------

Nung Huwebes naman, shet, nakilala na namin ang Auditing and Accounting profs namin – sina Ma’am Guantes at Ma’am Rico. Grabe, may babasahin na agad. Buti na lang kay Ma’am Zamora kami sa 105. Ang bait kasi niya at mukhang hindi torture ang klase. Marami nga lang requirements pero ayos lang kasi hindi naman ganung ka-keser yun.

----------------

Guilder meeting with Ma’am Glo nung Biyernes. Wag niyo nang tanungin kung bakit. At dahil wala namang nakapagbasa sa amin sa Marketing, dinismiss na kami agad. Muntik ko pang mawala ang pink water jug ko. Anyway, buong hapon kaming nasa FloroFoto para magpaxerox ng readings. Tapos tengga sa 3rd floor back habang hinihintay ang dakilang 116 book. Buti na lang sinundo ako, kundi isusumpa ko ang FinCom. Joke lang. :P

----------------

Kahapon naman, nagtungo pa ako sa Maynila para maghanap ng libro sa Auditing. Ayun, nag-alay lakad kami ng aking ina. Nagpapasalamat ako’t marami-rami naman ang puno sa UP kaya hindi torture ang paglalakad. Di gaya sa U-belt na mainit na nga, mausok pa. Di talaga kinaya ng powers ko kaya’t tumambay na lang kami sa Burger King pagkatapos mamili (at sana’y hindi na ako nagpaxerox nung Biyernes dahil nasa libro naman pala ang mga kailangan). Pagkasundo sa aking kapatid, dumaan kami sa Books for Less kung saan kinuha ko ang aking pinareserve na Agatha Christie at nagtungo sa Ever para mag-grocery. (Ngapala, may show yata sina Jose at Wally dun, di ko lang naabutan.)

----------------

At eto ngayon, nagpupumilit na magpaka-productive sa dami ng kailangang basahin para bukas at mga org work na dapat simulan. Balik-radioactive mode na naman ako. Hmph.


*anisah* made a wish at 12:06 PM | 0 granted her wish

*******

Monday, June 12, 2006
Paalam Summer!

Hmph. Nakakainis ang aming telepono. Magbrownout lang saglit, nawawalan na ng dial tone. Kahapon pa yan ah. Ayan tuloy, balik-internet sa labas na naman ako.

----------------

Pasukan na bukas. Parang nakakatamad pang bumalik sa skul. Gusto ko pang tumengga na lang sa bahay at manood ng TV. Subalit sadyang ganito ang buhay. Kailangang mag-aral.

----------------

Napanood ko yung The Omen nung Sabado. Hindi naman nakakatakot eh. Nakakagulat nga lang yung ibang eksena, lalo na yung mga "delusional" scenes ni Julia Stiles. Tapos meron ding mga eksenang mala-Final Destination (mga freak accidents, etc.). At ayoko ng ending. Well, sabi ni Godsy, ganun din yung ending ng original. Ibig sabihin ba nun magkakaroon pa ng part 2? Akala ko pa naman dramatic ang huling bahagi, buhay pa pala ang bata. At hindi siya nakakatakot ah. Mukha lang hindi nakatulog nang isang taon.


*anisah* made a wish at 3:14 PM | 0 granted her wish

*******

Thursday, June 01, 2006
Movie Trip

Paalala: Ang sumusunod ay hindi isang review o critique kundi mga random comments ko lang. Hehe. :P

X3: The Last Stand

>> Wala sa lugar yung “Angel-saves-his-father” scene. Tatlong mutants na nga (na may powers) ang dumakip sa kanya at talagang kailangan pa siyang ihulog sa building para lang masagip ni Angel. Insulto naman yun sa mga kontrabida.

>> Nabigyan naman ng focus ang karamihan sa mga characters kaya lang parang bitin. Imagine, 1 hour and 45 minutes lang yun! In short, walang masyadong character development.

>> Nakakagulat ang pagkamatay nina Cyclops at Professor X. Nakakagulat dahil wala man lang kadramahan or something considering na mga lider sila ng X-Men. Tinitigan lang sila ni Jean Grey/Phoenix. Ano ba yun???

>> Speaking of Jean Grey/Phoenix, gusto ko ang powers niya ah. Effortless! Kaya lang ayoko namang maging mukhang sinapian. Wag na nga lang.

>> Ano itong nababasa kong may post-credit scene pa (na hindi ko napanood dahil umalis ako agad)? Ayon sa mga nakapanood, buhay pa si Professor X, that is, yung consciousness lang niya (dahil nga naglaho ang kanyang katawan). Ganyan kalinis pumatay si Jean Grey/Phoenix.

>> Andaming mutants na inintroduce sa pelikula kaya lang hindi ko naman alam kung ano ang pangalan nila kung hindi ko pa tiningnan sa IMdb. Akalain niyong andun pala si Jubilee! E nasan naman si Gambit? Hindi ba siya dapat ang ka-loveteam dun ni Rogue?

>> Ayos din ang special effects lalo na yung Golden Gate bridge scene. Akala ko kasi nung una, sasakay yung mga kalaban na mutants sa scrap metals tapos saka yun kokontrolin ni Magneto. But no, sosyal pala sila.

>> Alam ko na kung bakit nag-traydor si Pyro. Kailangan siya ni Magneto dahil dynamic duo sila, parang Batman and Robin. Kokontrolin ni Magneto ang mga kotse, paliliparin niya at saka naman sisindihan ni Pyro sa pamamagitan ng kanyang nagbabagang kamay. Ganun pala yun.

>> On a more serious note, applicable sa totoong buhay ang isyung pinepresenta sa movie – yung tungkol sa “the cure” at ang freedom of choice nating lahat. Ika nga ni Storm, ano naman ang gagamutin sa kanila e wala naman silang sakit? Kung baga sa totoong buhay, bakit mo “gagamutin” ang kabaklaan e hindi naman yun sakit (something to that effect)? Nakakainsulto nga naman ang cure na yan. Sa kabilang banda, nakakatulong din ito sa mga mutants na may powers na sagabal sa kanilang buhay. Tulad ni Rogue. Kawawa naman siya, para siyang may ketong na mapanganib. Diyan pumapasok ang freedom of choice. Sabi nga ni Rogue kay Iceman, “I know [it’s not what you want]. It’s what I want.”

Para sa huling bahagi ng (supposedly) X-Men trilogy (magkaka-X4 nga ba?): 3.5 out of 5 stars.


The Da Vinci Code

>> Sobrang iba sa libro yung mga nasa huling bahagi. Halimbawa, sa halip na pumunta pa sa library si Langdon para mag-research tungkol sa A Pope clue, nanghiram lang sila ng cellphone sa isang nilalang sa bus at saka naki-google (google nga ba yun?). Tsaka sa halip na 2 ang cryptex, naging isa na lang.

>> Mas maganda pa rin ang libro dahil hindi kasing-exciting ang pelikula. Sa totoo lang, kaya ko nagustuhan ito ay dahil sa mga puzzles at codes upang mabunyag ang sikreto ng Priory. Eto ang hirap sa mga nobelang pagkahaba-haba tapos saka isisiksik sa isang pelikula. Parang Harry Potter di ba? Pakiramdam mo may kulang. Pero ibang istorya naman ang Harry Potter. Kaabang-abang naman kasi ang mga characters dun.

>> Kaugnay ng naunang komento, mahirap ding intindihin ang pelikula kapag hindi mo nabasa ang libro. At ang aking katibayan? Ang nanay ko. Tanong kasi siya nang tanong.

>> Miscast talaga si Tom Hanks. Inaasahan ko pa naman na gwapong gurang si Langdon. E si Tom Hanks, gurang lang.

>> Exag naman ang pag-portray sa Opus Dei. No wonder R-18 yun. Hindi naman siguro ganun ang lahat ng miyembro nila.

>> Ayos din ang flashbacks pati yung visuals na ginamit ni Teabing habang ipinapaliwanag niya ang Holy Grail. Hi-tech! Kayo ba may LCD projector sa bahay?

>> Tunay na maganda nga ang Louvre! Maisama nga sa aking itinerary sakaling mapadpad nga ako sa Europa.

>> In fairness sa pelikula, meron pa silang nalalamang “what matters is what you believe” na litanya. In the first place, fiction nga naman ang Da Vinci Code. So what’s the fuss?

Para sa isang kontrobersyal at unang R-18 na pelikulang napanood ko: 3 out of 5 stars.


Over the Hedge

>> Ang kyut nila. Lalo na yung raccoon na mahilig sa cookie.

>> Nakakatuwa at nakakaaliw. Pero mas gusto ko pa rin ang Finding Nemo.

>> Si Avril Lavigne pala yung nagboses sa isang possum dun. Wala lang. Sharing lang.

Para sa isang pambatang pelikula: 3 out of 5 stars.

----------------

Hmm... Ano naman kaya ang susunod sa aking listahan? All About Love? O aabangan ko na lang ang Superman Returns? Kailan kaya ipapalabas ang Happy Feet? At sino ba talaga ang Ant Bully?

Hanggang sa aking susunod na pagtapak sa sinehan!


*anisah* made a wish at 5:04 PM | 1 granted her wish

*******

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com