* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Sunday, June 18, 2006
First Week

Nung Martes ang block welcome namin sa mga freshies. Maayos na sana ang takbo ng mga bagay-bagay subalit sa kasamaang-palad, umulan nang malakas. Kawawa tuloy ang freshies na una naming dinala sa Grandstand. Ayun, lumipat kami sa tambayan kung saan nagsiksikan silang lahat. Pagkatapos nun, pumunta na kami sa klase. Si Ma’am Cacnio (new prof) ang prof namin sa Marketing samantalang si Sir Salita (old prof – haha) na naman sa 147.

----------------

Nung Miyerkules naman, nanood kami nina Jen at Jeona ng Lake House sa Gateway. Maganda naman ang pelikula kaya lang mapapaisip ka kung anong panahon ba yun? Medyo mahirap kasing madistinguish ang 2004 sa 2006. Hindi ko rin kasi napanood ang Korean movie na pinagbasehan nito, yung Il Mare, kaya di ko alam kung tunay bang maganda ito.

----------------

Nung Huwebes naman, shet, nakilala na namin ang Auditing and Accounting profs namin – sina Ma’am Guantes at Ma’am Rico. Grabe, may babasahin na agad. Buti na lang kay Ma’am Zamora kami sa 105. Ang bait kasi niya at mukhang hindi torture ang klase. Marami nga lang requirements pero ayos lang kasi hindi naman ganung ka-keser yun.

----------------

Guilder meeting with Ma’am Glo nung Biyernes. Wag niyo nang tanungin kung bakit. At dahil wala namang nakapagbasa sa amin sa Marketing, dinismiss na kami agad. Muntik ko pang mawala ang pink water jug ko. Anyway, buong hapon kaming nasa FloroFoto para magpaxerox ng readings. Tapos tengga sa 3rd floor back habang hinihintay ang dakilang 116 book. Buti na lang sinundo ako, kundi isusumpa ko ang FinCom. Joke lang. :P

----------------

Kahapon naman, nagtungo pa ako sa Maynila para maghanap ng libro sa Auditing. Ayun, nag-alay lakad kami ng aking ina. Nagpapasalamat ako’t marami-rami naman ang puno sa UP kaya hindi torture ang paglalakad. Di gaya sa U-belt na mainit na nga, mausok pa. Di talaga kinaya ng powers ko kaya’t tumambay na lang kami sa Burger King pagkatapos mamili (at sana’y hindi na ako nagpaxerox nung Biyernes dahil nasa libro naman pala ang mga kailangan). Pagkasundo sa aking kapatid, dumaan kami sa Books for Less kung saan kinuha ko ang aking pinareserve na Agatha Christie at nagtungo sa Ever para mag-grocery. (Ngapala, may show yata sina Jose at Wally dun, di ko lang naabutan.)

----------------

At eto ngayon, nagpupumilit na magpaka-productive sa dami ng kailangang basahin para bukas at mga org work na dapat simulan. Balik-radioactive mode na naman ako. Hmph.


*anisah* made a wish at 12:06 PM |

*******

Comments: Post a Comment

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com