* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Thursday, April 27, 2006
Sa Vinzons Rooftop

Kainis, di ako nakatambay sa Vinzons kanina. May jologs quiz show pa naman. Actually, di ko sure kung jologs yung quiz show pero basta may quiz show. Familial duties talaga o. Dapat bukod sa “student”, “dakilang ate” rin ang occupation ko.

Nagsimula na noong Lunes ang tambay para sa FOPC. Hanggang May 17 ito. Medyo torture ang pagtambay kasi ang INIT talaga! Lalo na pag peak hours (1 pm onwards) kasi tapos na ang klase ng mga tao. At kailangan ko pa bang sabihin na ang liit ng space? Well, understandable naman yun kasi ang daming orgs na tumatambay. Buti na lang dun kami malapit sa reg table at di masyadong tumatambay yung katabing org namin kaya medyo lumalawak ang nasasakupan namin. Hehe.

On the other hand, masaya rin naman ang tambay. Syempre, bonding affax ng mga JPIAns. At meron pa kaming pseudo-Scrabble tournament. Isa pa, ika nga ni Jeff Garma, sa tambay mo raw makikita ang mga batchmates mo nung hayskul. How true. At syempre, sobrang saya ko dahil bumenta naman ang aming Charades kahapon! Kinabahan nga ako kasi baka walang pumatol. Bumili pa ako ng pagkain na pang-prize para mang-engganyo ng mga tao. Hehe. In fairness, natigil ang lahat nang magsalita si Garma sa megaphone. At sa dami ng gustong sumali, sa halip na 5 orgs lang ang participants, naging 11 na. Kakatuwa talaga. :D

----------------

Mukhang magiging org summer talaga ang summer kong ito. Bukod sa SAG work, inappoint pa akong OIC sa MSA dahil ang Presidente namin ay nasa Mindanao at ang VP Internals naman ay nasa Saudi. Sa Guilder naman, kaaappoint lang sa akin na acting EIC dahil ang EIC namin ay nasa Baguio (ooops, nasa US pala siya). Well, ayos lang naman sakin kasi hindi na ako total bum. Hehehe. Medyo nakakapagod nga lang. Tsaka mamimiss ko ang panonood ng TV buong araw. Training siguro ito para hindi ko masyadong mamiss ang aming telebisyon pag pasukan na.

----------------

PBB Teen Edition na. What can I say? Naaartehan ako sa karamihan sa kanila. At hindi ako nagagandahan kay Niña. Ang pangit ng ngipin niya. Hindi rin nakakatawa si Bam. Sayang kasi hindi masyadong diverse ang personalities nila. Mas masaya siguro kung may babaing bakla doon. O kaya nilalang na mahilig mang-okray (sayang OkSoc, di na kayo teens). Siyempre walang tibak doon kasi kung tibak ka talaga, hindi ka sasali sa PBB. Eh kasi naman, sa forums, may mga taong nagtataka kung bakit walang tibak dun. Owel. Good luck na lang sa mga housemates.


*anisah* made a wish at 5:35 PM | 1 granted her wish

*******

Thursday, April 20, 2006
Feeling Masipag

Matapos kong magpaka-bum nung isang linggo (actually, medyo bum pa rin naman ako ngayon), napaka-productive ko naman lately. Bukod sa walang kamatayang panonood ng TV, eto ang mga pinagkaabalahan ko simula nung Lunes:

Lunes
Sinamahan ko si Jauhari sa kanyang physical exam sa Infirmary. Kasama ko namang naghintay si Squiddy. Teka, sino ba sina Jauhari at Squiddy? Aliens? Monkeys? No, mga kapatid ko sila. Anyway, pagkatapos ng approximately 4 hours na paghihintay, dumiretso kami sa SM North para maglakwatsa. Kumain muna kami sa Greenwich tapos naglibot-libot kasi 2:15 pa yung movie. Kamusta naman ang trip naming magkakapatid?! Dumaan muna kami sa Natio para bilhin yung Princess Diaries 5. Binili ko rin yung Alamat ng Gubat ni Bob Ong. Tapos tumambay kami sa pet shop. Para kaming nagtotour sa zoo. Pagkatapos ng medyo matagal na paglalakad-lakad, pumunta na kami sa sinehan para manood ng Eight Below. Ayaw kasi namin ng D’ Lucky Ones kasi andun sina Sandara at Joseph. Hindi na rin ako excited manood ng Moments of Love. Okei naman yung Eight. Nakakaiyak din yung ibang parte. Tapos kamukha pa nung mga aso sa pelikula yung nakita naming aso sa pet shop. Hehe. Pagkatapos manood, umuwi na kami. Dun kami naghintay sa Mercury para hintayin si Mama; tutal, pauwi naman siya at ayaw naming tumawid. Nag-ice cream pa kami habang naghihintay. Nung gabi naman, sinimulan ko nang basahin yung Princess.

Martes
Dahil ako ang OIC ng MSA ngayon, tinipon ko ang aking co-officers para magmit tungkol sa aming pinakamamahal na bulletin board. Mga isang oras lang ang tinagal ng meeting. Pagkauwi ko, tinapos ko na yung Princess at Alamat.

Miyerkules
Inayos ko na ang aking mga gamit. Nagsimula ako sa gabundok kong readings at itinago sa mga National Bookstore plastic bags (hehe, may lifetime supply yata ako nun dahil suki ako ng Natio). Sunod naman ay yung mga paper bag ko na naglalaman ng aking precious supplies. Huli naman yung mga folders at envelopes ko na naglalaman ng mga org docus at iba pang importanteng papeles. At dahil feel kong mag-recycle, gumawa ako ng “scratch pad” gamit ang mga colored bond paper ng unfinished project ng aking kapatid. Inipon ko rin yung mga white papers na pwedeng gamitin sa FOPC bagsakan at pang-print ng mga bagay-bagay (natutunan ko ito kay Ma’am Jardiolin). Nung gabi naman, nag-email ako sa RVC para sa mga hindi pa nagpapasa ng excuse letters.

Huwebes (Ngayon)
Inayos ko naman yung book collection ko at inupdate ang aking book collection inventory. Oo, ganyan ako ka-OC. Susunod ko namang gagawan ay yung CD collection ko na arranged in alphabetical order. Inayos ko na rin ang mga damit ko at hiniwalay ang mga “rummageable” at mga “pwedeng ipamana kay Squiddy”. Ngayon ko lang din naalala na meron pala akong black pants na mukhang palda dahil sa sobrang luwang. Sakto lang naman yun sa bewang ko pero mas elepante nga lang sa elephant pants. Hehe. Pinagsama-sama ko na rin yung mga bag ko na nakakalat kung saan-saan. At katatapos ko lang din mag-email sa MSA tungkol sa bulletin board. Mamaya, maghahanap na lang ako ng gagawin para productive ulit ako. Hehe.

Bukas, pupunta kami ng Nanay ko sa Maynila. At sa wakas, magkikita na ulit kami ni Intarkid bespren Meridot. Hehe. Tapos sa Sabado, SAG post-plan naman.

Huwaw. What a week, Baltic. :P


*anisah* made a wish at 4:39 PM | 0 granted her wish

*******

Thursday, April 13, 2006
Vibe, Unlimitxt, Atbp.

Mukhang nagwawala na itong PLDT Vibe connection namin. Bakit? Dahil sa nakaraang tatlong araw, lagi na lang nag-e-Error 678 pag nag-ko-connect kami sa Internet. Naka-apat na tawag na nga ako sa Customer Service ng PLDT (uy, suki na ako). Tunay ngang ”Patience is a virtue”. Nawa’y hindi na ulit kami magkaproblema dahil baka maubusan na ako ng pasensya. Isa pa, I can’t live without the Internet. Huhu.

----------------

Nakakainis din yang Globe Unlimitxt. Noong Martes pa nag-expire ang Unlimitxt ko at hindi pa rin ako makapag-subscribe hanggang ngayon. Lagi na lang “Message Sending Failed”. Nakakapanghinayang lang sa load kasi nanay ko lang naman ang ka-text ko (at Globe siya!). Sayang tuloy sa load. Hmph.

----------------

Ang init-init ngayon (duh, summer)! Kung pwede lang sanang palagyan ng aircon ang buong bahay, pinalagyan ko na to (duh ulit, asa ka pa!). Buti na lang medyo refreshing ang Sunsilk Summer Fresh Limited Edition shampoo. Para ka kasing naglagay ng yelo sa ulo mo. Pero panandalian lang ang epekto nun (after mong i-rinse ang buhok mo).

----------------

Wala naman akong magawa ngayon. Wala rin masyadong mapanood sa TV kasi Holy Week. Puro cartoons lang sa Animax ang pinapanood namin. Wala rin akong mabasang libro kasi halos lahat ng libro rito nabasa ko na (yung mga hindi ko pa nababasa, boring yun :P). Sarado rin karamihan sa mga mall. Ayoko namang gumawa ng org work kasi pagsasawaan ko rin yun sa hinaharap. Alangan din namang mag-Internet ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ayokong matulog kasi 12 hours na nga ako natutulog. Hay. The concerns of a bored teenager.


*anisah* made a wish at 4:50 PM | 0 granted her wish

*******

Sunday, April 09, 2006
Incoherent Post

Matagal nang tapos ang klase pero hindi ko pa rin nararanasan ang tunay na bakasyon. Bakit? Dahil nga sa RVC at JPIA. At dahil summer reg sa Lunes at Martes, sa Miyerkules pa ako makakapag-”chill” (hehe) nang lubusan. Pero pagkatapos naman ng linggong ito, may mga bagay pa rin akong kailangang asikasuhin. Owel. Hindi naman ako nagrereklamo pero nakakapanibago lang ang bakasyong ito. Ipapaliwanag ko na lang sa ibang entry.

----------------

Naiinis ako kay Sugar. Manood na lang kayo ng Bulagaan para malaman niyo kung bakit. Di ba? Di ba? Di ba?

----------------

Di pa rin ako nakakapanood ng sine. How pathetic.

----------------

Holy week na pala ngayon. Buti na lang may cable kami. Hehe. Teka, limang araw (3 holy days + 2 weekends) na walang Encantadia, My Name is Kim Sam Soon, at Jewel in the Palace?! Kakayanin ko kaya yun???

----------------

May bago na rin akong inaabangang series, ang Grey’s Anatomy. Napanood ko yung pilot episode niya last week, pagkatapos ng American Idol. Mukhang promising ito. (Okay, ito rin ang sinabi ko bago ipalabas ang Vietnam Rose. Guess what? Mali ako!) Nabasa ko na ang episode guides (spoiler talaga) at interesting naman ang plot. Yun nga lang, may mga di ako masyadong ma-gets kaya kailangan ko pang kumonsulta kay Intarkid Mere. Hehe.

----------------

Paborito ko na rin ang The Nanny (kahit na early 90’s pa ito pinalabas). Nakakatawa kasi yung hirit nina Fran at Niles. Nakakaaliw din yung nasal na boses ni Fran (Oh Mr. Sheffield!). At dahil mahilig akong mag-research ng kung anu-ano sa Internet (no porn, please!), napag-alaman ko na si Grace, ang bunso sa magkakapatid, ay isa sa mga gumanap na evil stepsister ni Hillary Duff sa A Cinderella Story. Ang weird lang kasi ang cute-cute niya sa The Nanny tapos paglaki niya, magiging bruhilda lang ang role niya. Owel. Ganyan talaga ang buhay. Child star noon, ewan ko ngayon.

----------------

Usapang acads naman. 2.0 ako sa 114! Yehey! Kung itatranslate sa grading system ng Hogwarts, ito ay “Exceeds Expectations”. May ibubuga naman pala ako pag dinagdagan ang effort. Hehe.

----------------

Gusto ko rin ng internship. Boo.


*anisah* made a wish at 1:57 AM | 0 granted her wish

*******

Saturday, April 01, 2006
Bakasyon na! Woohoo! :D

Finally! Tapos na ang aking 2nd sem! Opisyal itong nagtapos kanina pagkatapos ng aming special presentation sa 114.2 para sa 5% na class participation sa grade. At syempre, 5% na lahat kami dun. Siguro naawa na sina Ma’am Dani at Sir Peds. Umepekto siguro ang charms namin. In fairness, medyo dramatic ang mode namin kanina. Naluluha-luha pa ang mga tao. Sabagay, sino ba naman ang hindi maiiyak sa tuwa kung sinabi ng prof niyo na masaya siya sa performance ng class? Yihee!

Mukhang hindi ako makakatengga-tengga agad kasi super busy this week! JPIA plansem at RVC preparations kasi.

Di pa ako nakakanood ng movie! Huhuhu...

Hay, expect more “relevant” blog entries this summer. Ganun talaga, pag wala akong magawa, kung anu-ano ang naiisip ko.


*anisah* made a wish at 8:21 PM | 1 granted her wish

*******

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com