* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Thursday, April 20, 2006
Feeling Masipag

Matapos kong magpaka-bum nung isang linggo (actually, medyo bum pa rin naman ako ngayon), napaka-productive ko naman lately. Bukod sa walang kamatayang panonood ng TV, eto ang mga pinagkaabalahan ko simula nung Lunes:

Lunes
Sinamahan ko si Jauhari sa kanyang physical exam sa Infirmary. Kasama ko namang naghintay si Squiddy. Teka, sino ba sina Jauhari at Squiddy? Aliens? Monkeys? No, mga kapatid ko sila. Anyway, pagkatapos ng approximately 4 hours na paghihintay, dumiretso kami sa SM North para maglakwatsa. Kumain muna kami sa Greenwich tapos naglibot-libot kasi 2:15 pa yung movie. Kamusta naman ang trip naming magkakapatid?! Dumaan muna kami sa Natio para bilhin yung Princess Diaries 5. Binili ko rin yung Alamat ng Gubat ni Bob Ong. Tapos tumambay kami sa pet shop. Para kaming nagtotour sa zoo. Pagkatapos ng medyo matagal na paglalakad-lakad, pumunta na kami sa sinehan para manood ng Eight Below. Ayaw kasi namin ng D’ Lucky Ones kasi andun sina Sandara at Joseph. Hindi na rin ako excited manood ng Moments of Love. Okei naman yung Eight. Nakakaiyak din yung ibang parte. Tapos kamukha pa nung mga aso sa pelikula yung nakita naming aso sa pet shop. Hehe. Pagkatapos manood, umuwi na kami. Dun kami naghintay sa Mercury para hintayin si Mama; tutal, pauwi naman siya at ayaw naming tumawid. Nag-ice cream pa kami habang naghihintay. Nung gabi naman, sinimulan ko nang basahin yung Princess.

Martes
Dahil ako ang OIC ng MSA ngayon, tinipon ko ang aking co-officers para magmit tungkol sa aming pinakamamahal na bulletin board. Mga isang oras lang ang tinagal ng meeting. Pagkauwi ko, tinapos ko na yung Princess at Alamat.

Miyerkules
Inayos ko na ang aking mga gamit. Nagsimula ako sa gabundok kong readings at itinago sa mga National Bookstore plastic bags (hehe, may lifetime supply yata ako nun dahil suki ako ng Natio). Sunod naman ay yung mga paper bag ko na naglalaman ng aking precious supplies. Huli naman yung mga folders at envelopes ko na naglalaman ng mga org docus at iba pang importanteng papeles. At dahil feel kong mag-recycle, gumawa ako ng “scratch pad” gamit ang mga colored bond paper ng unfinished project ng aking kapatid. Inipon ko rin yung mga white papers na pwedeng gamitin sa FOPC bagsakan at pang-print ng mga bagay-bagay (natutunan ko ito kay Ma’am Jardiolin). Nung gabi naman, nag-email ako sa RVC para sa mga hindi pa nagpapasa ng excuse letters.

Huwebes (Ngayon)
Inayos ko naman yung book collection ko at inupdate ang aking book collection inventory. Oo, ganyan ako ka-OC. Susunod ko namang gagawan ay yung CD collection ko na arranged in alphabetical order. Inayos ko na rin ang mga damit ko at hiniwalay ang mga “rummageable” at mga “pwedeng ipamana kay Squiddy”. Ngayon ko lang din naalala na meron pala akong black pants na mukhang palda dahil sa sobrang luwang. Sakto lang naman yun sa bewang ko pero mas elepante nga lang sa elephant pants. Hehe. Pinagsama-sama ko na rin yung mga bag ko na nakakalat kung saan-saan. At katatapos ko lang din mag-email sa MSA tungkol sa bulletin board. Mamaya, maghahanap na lang ako ng gagawin para productive ulit ako. Hehe.

Bukas, pupunta kami ng Nanay ko sa Maynila. At sa wakas, magkikita na ulit kami ni Intarkid bespren Meridot. Hehe. Tapos sa Sabado, SAG post-plan naman.

Huwaw. What a week, Baltic. :P


*anisah* made a wish at 4:39 PM |

*******

Comments: Post a Comment

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com