* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Monday, February 27, 2006
Hmph!

Wala na namang pasok. I hate it. Parang dinelay lang ang paghihirap namin. Ang dami na nga ng gagawin next week tapos mamomove pa ang mga bagay-bagay. Chorva naman to.


*anisah* made a wish at 3:16 PM | 0 granted her wish

*******

Monday, February 20, 2006
Whatchathink???

Hmmm… mukhang masaya ang Johari window na ito. :D


*anisah* made a wish at 6:50 PM | 0 granted her wish

*******

Busy as a Bee

Schedule ng mga acad requirements (UPDATED ULIT):

March 3 – BA 162 Special Project Presentation
March 7 – BA 186 System Sales Presentation
March 10 – BA 186 ERD Final Version
March 11 – BA 114.2 3rd Exam
March 12 – Econ 190.2 2nd Exam
March 14 – BA 186 DSD & SRD 1st Draft, BA 142 2nd Exam at BA 162 Special Project Written Report

At siyempre, busy-busyhan kaming lahat ngayon lalo na sa Sales Pres. Nangangarir kami eh. Hehe. Tapos may duties pa ako sa Guilder at newsletter ng MSA. Pati na rin ang walang-kamatayang pagfofollowup para sa RVC. Hindi pa ako nakakapagpadala ng resumes para sa internship application. Ang masaklap pa diyan, JPIA Week ngayon. Kung kailan maraming masayang org activities, dun pa natambak ang mga requirements. Ang ganda talaga ng timing!

----------------

Pero hindi ibig sabihin ng mga yan na hindi na ako manonood ng TV. Haller! Ngayon pa’t nagbalik na ang Encantadia (subtitle: Pag-Ibig Hanggang Wakas). TV addict forever!

----------------

Nakaka-bother yung Kotex commercial ni Dennis Trillo. Parang wala sa lugar. Tapos I’m All Out of Love pa ang background song. Weird.

----------------

Kailangan kong mapanood ang Memoirs of a Geisha! As in!

----------------

Kakabasa ko lang ng Tuesdays with Morrie last week. Saka ko na isusulat kung ano ang opinyon ko dun. Basta nakaka-inspire yung libro. :D


*anisah* made a wish at 6:34 PM | 0 granted her wish

*******

Monday, February 13, 2006
Chorvalu Part III

Nilabas na yung results ng 2nd exam kanina. Mas mababa yung score ko compared sa first exam pero okei lang kasi line of 7 pa rin naman. Nakaka-bitter nga lang kasi 8.25 items (13.2 points) ang nawala ko dahil sa carelessness at kung anu-ano pang kabangagan. Yung mga tipong, alam ko naman kung paano i-solve ito pero bakit naiba ang ginawa ko? O kaya yung mga sadyang katangahan lang talaga. Halimbawa, yung 100T, ginawa kong 100 for some unknown reason kaya ayun, namali. Tapos na-OC ako sa isang problem sa pension kaya 3 beses kong chineck yun. Yun nga lang, naubusan ako ng oras para mag-check ng ibang problems. Ayan tuloy, sa EPS pa ako na-mali-mali (at yun pa man din ang una kong inaral). Tinanong pa ni Sir Peds kung ano ang nangyari sa 2nd runner-up dati (i.e. ako). E alangan namang sabihin ko sa buong klase na nabangenge ako.

Pero thankful pa rin ako kasi mas mataas ang standing ko ngayon compared sa 114.1. Tsaka at least, yung mga mali ko, hindi yung tipong hindi ko siya nasagutan dahil hindi ko alam kung paano gawin. Meron pa rin naman akong ganun na mali (hello leases!) pero mas marami pa rin talaga yung pang-engot na mali. Yun nga lang, kailangan pang pagbutihan sa 3rd exam kasi mas mahirap daw ang income tax accounting. Ibig sabihin, maaari nang hindi umepekto ang Friday night/Saturday morning review bago mag-exam. Hehe. Sana makabawi talaga kaming lahat. Nakaka-bitter naman kasi kung may matatanggal pa sa amin. Ano yun? Malas mo at pumasa ka pa ng 114.1? Hay… Kailangan pang todohin ang powers! :D

----------------

Last BA 151 meeting na namin sa Thursday. Ibig sabihin, every MTh, 1215 na ang uwian namin. Yehey! Di naman natuloy ang panonood namin ng movie nina Jen kanina. Wala raw magandang movie ngayon. Huhu. Wala nang Proof tsaka Cheaper by the Dozen 2? Memoirs of a Geisha na sa Feb. 22. Hindi ko dapat ma-miss ito!

----------------

Sayang, di ako nakapunta sa culmi night ng MSA. Sumakit kasi tiyan ko. Bad trip…

----------------

Walang masyadong gagawin (na related sa acads) this week. I mean, wala namang major exam. Kaya ang gagawin ko ay magpaka-RADIOACTIVE ulit. Haha.

----------------

Sa wakas, napanood ko na ang Princess Diaries 2 nung Sabado. Okei lang naman siya. Pero parang mas gusto ko yung una. Sinimulan ko na ring basahin yung Princess Diaries Vol. 4 nung Sabado. Pero saka ko na lang siguro tatapusin. Unahin ko muna yung Tuesdays with Morrie.

----------------

May CSI: Las Vegas na ulit sa Wednesday! Finally! Kaso nga lang, sabay sila ng Jewel in the Palace. Ibig sabihin, kailangan tapos ko na ang mga dapat kong gawin before 10 pm. Para mas madaling magpalipat-lipat ng channel. Hehe.

----------------

Sa mga nanonood ng Forbidden Love: ang loser ng ending no?! Hindi ko akalaing ganun ang mangyayari. Napaka-brutal nila. As in lahat yata ng Kumiho warrior, namatay. Tapos ang corny pa nung “The End” sa huli. Pero in fairness, nakaka-LSS ang kanta. Habang nagsasagot para sa 114 exam, kumakanta ako ng “Kailan pa man, sayo lamang magmamahal / Kailan pa man, mangangakong magtatagal… / Mula noon hanggang ngayon, ikaw lamang / Ako para sayo, hanggang may kailanman…”

----------------

The only way to have a friend is to be one. – Ralph Waldo Emerson

I miss ALL of my friends (especially my high school barkada, pati na rin coup b’etat kasi di na tayo nagkakasama). *tear*


*anisah* made a wish at 4:27 PM | 0 granted her wish

*******

Monday, February 06, 2006
Make-Up Entry

Bakit make-up entry ang pamagat? Kasi ang entry na ito ay parang make-up class sa accounting: mahaba. Tsaka matagal na akong di nagsusulat ng entry e. :P

----------------

Sa wakas at nilabas na yung results kanina sa first exam sa accounting. Haha. Pasado ako! Basta wala sa 2.75 ang score ko. Nakaka-inspire tuloy mag-aral. Kasi sayang naman yung nakuha ko sa first exam kung hindi ko mame-maintain sa second. Hehe. GC-ness. Haller, sayang ang stipend pag nawala ang scholarship ko no. Accounting lang naman ang humihila sa grades ko. Hay. Sana lagi akong inspired mag-aral! :D

----------------

Kawawa naman yung mga biktima sa stampede sa Wowowee nung Sabado. Kung iisipin naman kasi, pumunta ang mga tao dun para guminhawa ang buhay, Pero anong nangyari sa kanila??? Marami nang nag-komento tungkol sa pangyayaring ito. Front page pa lang sa Inquirer kahapon, puro tungkol sa stampede ang laman. May mga nagsasabi na dapat sisihin ang security group kasi hindi umubra ang kanilang plano. May mga nagsasabi na ABS-CBN/Wowowee ang dapat managot kasi masyado nilang tinake-advantage ang kahirapan ng mga Pilipino at over-hyped ang event. Sabi naman ni Sir Peds, dapat sisihin ang mga tao kasi wala silang disiplina tsaka sila naman ang nanulak. Basta nanulak ka dun, may kasalanan ka. Mahirap i-pinpoint kung sino nga ba ang dapat managot; lahat naman kasi sila ay may katwiran. Isa lang ang siguradong bagay diyan: desperado na tayong mga Pilipino. Masyado na rin siguro tayong umaasa sa mga game show na nagpapamigay ng sandamakmak na papremyo. Dapat talaga ay maging mas disiplinado at matiyaga tayo. Tsaka hindi dapat nating ginagawang hanapbuhay ang pagsali sa mga contest. Pero eto na siguro ang pinakamainam na solusyon: lahat tayo’y dapat gumawa ng personal stands para masaya.

----------------

Napunta rin naman tayo sa Kapamilya shows ay “pag-usapan” na rin natin ang Forbidden Love. Hardcore fan kasi ako ng Jewel in the Palace kaya bawal ilipat ang channel pag nanonood ako nito. Pero nung isang linggo, nang maging exag na ang advertisements at di ko na nakayanan, nilipat ko ang channel sa ABS. Kaya ayun. Hindi ko masyadong gets ang istorya – kung ano ba ang isyu/conflict (bakit nga ba forbidden love?), kung ano ba ang SICS (?) at Kumiho (?), at kung bakit mayroong kumakain ng atay ng tao. Nakakatuwa lang kasi yung bidang babae dun, si Miriane, siya rin yung kontrabidang babae sa Stairway to Heaven (Eunice yata ang pangalan niya dun). Tapos yung bidang lalaki, si Alex, pinagpipilitan naman ng kapatid ko na yun din si TJ sa Only You. Medyo may hawig pero malamang, magkaibang tao sila.

----------------

Ni-launch na rin kagabi ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition. At kamusta naman? Nagbabasa ako ng IAS habang nanonood kaya wala akong masyadong na-absorb. Okei naman yung lineup: Bianca Gonzalez, Gretchen Malalad, Angela Calina, Mich Dulce, Keanna Reeves, Roxanne Barcelo, Aleck Bovick, Zanjoe Marudo, Rustom Padilla, Rudy Fernandez (hindi si Daboy), Christian Vasquez, Rico Robles, John Pratts, at Budoy Marabiles. At least, iba-iba ang kanilang personalities. Kaso nakakaawa si Mang Rudy. Parang hindi siya maka-relate. Sino kaya ang magiging friends niya sa kanila? Si Keanna?

----------------

Pero wala pa ring tatalo sa Jewel in the Palace!!! Lalo pa ngayon na nagiging mas exciting ang kwento. Unti-unting mararating, kalangitan at bituin…

----------------

Ang weird na talaga ng sleeping habits ko. Todong late na akong magising, lalo na pag walang pasok sa umaga. Pag weekday, pinaka-maaga ko na ang 10 am. Minsan umaabot na sa 1 pm. At ang nakakalungkot pa diyan, naka-alarm naman ang cel ko ng 7 am. Di ko alam kung immune ba ako sa tunog ng alarm clock o sadyang napakalakas ng gravitational pull sa akin at hirap na hirap akong bumangon. Goodness. Kailangan ko nang pilitin ang aking sarili na gumising ng maaga kasi sayang ang oras na nauubos sa sobrang pagtulog. Ganun din naman ang epekto, nagka-cram ako para tapusin ang mga kailangang tapusin kaya bumabalik sa dati ang stress level ko.

----------------

JMA Week na pala ngayon. At MSA Week din. Kaya sa mga MSAers diyan, punta po tayo sa culminating night sa Sabado, 6-9 pm sa Balay Kalinaw. :)

----------------

Antagal ko na palang hindi nanonood ng sine. At hindi ko rin alam kung alin sa mga sumusunod ang papanoorin ko: Proof, Cheaper by the Dozen 2, Fun with Dick and Jane o Memoirs of a Geisha. Nag-yayaya pa si Maila na manood ng Close to You (Oh, why don’t smile, my only star? Shine on, baby! Smile, my only star! Smile, my only star! --- repeat 1 million times). Pagkatapos ng madugong 114 exam, gimik na naman ito! :D

----------------

Hay, antagal ko na ring hindi nakakapagbasa ng non-acad na libro. Ang huling nabasa ko ay ang Stainless Longganisa ni Bob Ong (thanks to Chris Limbo). Nakakatuwa pero at the same time, makabuluhan ang mensahe. Hindi basta-basta comedy lang. Bihira ang mga taong nakakapagsulat ng ganun. Super benta talaga! Hehe. Pagkatapos ng exam, gusto kong basahin ang Tuesdays with Morrie at Princess Diaries Vol. 4. Speaking of Princess Diaries, Princess Diaries 2 na sa Sabado! Yipee!

----------------

Habang nanonood ako ng TV nung isang araw, napanood ko yung tunay na video ng High ng The Speaks. Yung wala si Barbie Almalbis. Mas gusto ko yung version na yun (without Barbie). Actually gusto ko yung kanta, ang sarap pakinggan eh.

----------------

Let me end this entry with a quote:

All love that has not friendship for its base,is like a mansion built upon the sand. -- Ella Wheeler Wilcox

How true.


*anisah* made a wish at 4:31 PM | 0 granted her wish

*******

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com