Bakit make-up entry ang pamagat? Kasi ang entry na ito ay parang make-up class sa accounting: mahaba. Tsaka matagal na akong di nagsusulat ng entry e. :P
----------------
Sa wakas at nilabas na yung results kanina sa first exam sa accounting. Haha. Pasado ako! Basta wala sa 2.75 ang score ko. Nakaka-inspire tuloy mag-aral. Kasi sayang naman yung nakuha ko sa first exam kung hindi ko mame-maintain sa second. Hehe. GC-ness. Haller, sayang ang stipend pag nawala ang scholarship ko no. Accounting lang naman ang humihila sa grades ko. Hay. Sana lagi akong inspired mag-aral! :D
----------------
Kawawa naman yung mga biktima sa stampede sa Wowowee nung Sabado. Kung iisipin naman kasi, pumunta ang mga tao dun para guminhawa ang buhay, Pero anong nangyari sa kanila??? Marami nang nag-komento tungkol sa pangyayaring ito. Front page pa lang sa Inquirer kahapon, puro tungkol sa stampede ang laman. May mga nagsasabi na dapat sisihin ang security group kasi hindi umubra ang kanilang plano. May mga nagsasabi na ABS-CBN/Wowowee ang dapat managot kasi masyado nilang tinake-advantage ang kahirapan ng mga Pilipino at over-hyped ang event. Sabi naman ni Sir Peds, dapat sisihin ang mga tao kasi wala silang disiplina tsaka sila naman ang nanulak. Basta nanulak ka dun, may kasalanan ka. Mahirap i-pinpoint kung sino nga ba ang dapat managot; lahat naman kasi sila ay may katwiran. Isa lang ang siguradong bagay diyan: desperado na tayong mga Pilipino. Masyado na rin siguro tayong umaasa sa mga game show na nagpapamigay ng sandamakmak na papremyo. Dapat talaga ay maging mas disiplinado at matiyaga tayo. Tsaka hindi dapat nating ginagawang hanapbuhay ang pagsali sa mga contest. Pero eto na siguro ang pinakamainam na solusyon: lahat tayo’y dapat gumawa ng personal stands para masaya.
----------------
Napunta rin naman tayo sa Kapamilya shows ay “pag-usapan” na rin natin ang Forbidden Love. Hardcore fan kasi ako ng Jewel in the Palace kaya bawal ilipat ang channel pag nanonood ako nito. Pero nung isang linggo, nang maging exag na ang advertisements at di ko na nakayanan, nilipat ko ang channel sa ABS. Kaya ayun. Hindi ko masyadong gets ang istorya – kung ano ba ang isyu/conflict (bakit nga ba forbidden love?), kung ano ba ang SICS (?) at Kumiho (?), at kung bakit mayroong kumakain ng atay ng tao. Nakakatuwa lang kasi yung bidang babae dun, si Miriane, siya rin yung kontrabidang babae sa Stairway to Heaven (Eunice yata ang pangalan niya dun). Tapos yung bidang lalaki, si Alex, pinagpipilitan naman ng kapatid ko na yun din si TJ sa Only You. Medyo may hawig pero malamang, magkaibang tao sila.
----------------
Ni-launch na rin kagabi ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition. At kamusta naman? Nagbabasa ako ng IAS habang nanonood kaya wala akong masyadong na-absorb. Okei naman yung lineup: Bianca Gonzalez, Gretchen Malalad, Angela Calina, Mich Dulce, Keanna Reeves, Roxanne Barcelo, Aleck Bovick, Zanjoe Marudo, Rustom Padilla, Rudy Fernandez (hindi si Daboy), Christian Vasquez, Rico Robles, John Pratts, at Budoy Marabiles. At least, iba-iba ang kanilang personalities. Kaso nakakaawa si Mang Rudy. Parang hindi siya maka-relate. Sino kaya ang magiging friends niya sa kanila? Si Keanna?
----------------
Pero wala pa ring tatalo sa Jewel in the Palace!!! Lalo pa ngayon na nagiging mas exciting ang kwento. Unti-unting mararating, kalangitan at bituin…
----------------
Ang weird na talaga ng sleeping habits ko. Todong late na akong magising, lalo na pag walang pasok sa umaga. Pag weekday, pinaka-maaga ko na ang 10 am. Minsan umaabot na sa 1 pm. At ang nakakalungkot pa diyan, naka-alarm naman ang cel ko ng 7 am. Di ko alam kung immune ba ako sa tunog ng alarm clock o sadyang napakalakas ng gravitational pull sa akin at hirap na hirap akong bumangon. Goodness. Kailangan ko nang pilitin ang aking sarili na gumising ng maaga kasi sayang ang oras na nauubos sa sobrang pagtulog. Ganun din naman ang epekto, nagka-cram ako para tapusin ang mga kailangang tapusin kaya bumabalik sa dati ang stress level ko.
----------------
JMA Week na pala ngayon. At MSA Week din. Kaya sa mga MSAers diyan, punta po tayo sa culminating night sa Sabado, 6-9 pm sa Balay Kalinaw. :)
----------------
Antagal ko na palang hindi nanonood ng sine. At hindi ko rin alam kung alin sa mga sumusunod ang papanoorin ko: Proof, Cheaper by the Dozen 2, Fun with Dick and Jane o Memoirs of a Geisha. Nag-yayaya pa si Maila na manood ng Close to You (Oh, why don’t smile, my only star? Shine on, baby! Smile, my only star! Smile, my only star! --- repeat 1 million times). Pagkatapos ng madugong 114 exam, gimik na naman ito! :D
----------------
Hay, antagal ko na ring hindi nakakapagbasa ng non-acad na libro. Ang huling nabasa ko ay ang Stainless Longganisa ni Bob Ong (thanks to Chris Limbo). Nakakatuwa pero at the same time, makabuluhan ang mensahe. Hindi basta-basta comedy lang. Bihira ang mga taong nakakapagsulat ng ganun. Super benta talaga! Hehe. Pagkatapos ng exam, gusto kong basahin ang Tuesdays with Morrie at Princess Diaries Vol. 4. Speaking of Princess Diaries, Princess Diaries 2 na sa Sabado! Yipee!
----------------
Habang nanonood ako ng TV nung isang araw, napanood ko yung tunay na video ng High ng The Speaks. Yung wala si Barbie Almalbis. Mas gusto ko yung version na yun (without Barbie). Actually gusto ko yung kanta, ang sarap pakinggan eh.
----------------
Let me end this entry with a quote:
All love that has not friendship for its base,is like a mansion built upon the sand. -- Ella Wheeler Wilcox
How true.