Wednesday, January 25, 2006
My So-Called Life
Napaka-exciting nga naman ng buhay ko. Kung hindi acads ang inaasikaso, orgs naman. At kung walang ginagawa, manonood na lang ng TV. Namimiss ko na talaga ang mga panahong pwede kang tumengga-tengga na walang iniisip na exam, IAS o kaya org event. In short, bakasyon. Pero kapag bakasyon naman, nakakabagot din kaya gugustuhin ko na ring magpasukan. Anlabo ko talaga. Pero ganyan talaga ang nararamdaman ko. Parang gusto kong kontrolin ang oras. Andami ko kasing gustong gawin e. In fact, meron akong “Mga Gusto Kong Gawin sa Buhay Ko” list. Di ko pwedeng i-share lahat kasi medyo secret yun. Hehe. Pero isa dun ay ang magpunta at mamasyal sa Europa (sosyal). At siyempre, bago ko ma-achieve yan ay kailangang magpayaman muna. :P
----------------
Grrr… nakakaasar yung exam sa Finance. Almost 2 hours lang yung exam at 38-item na multiple choice pa yun. Kala niyo madali no? Hindi!!! Dahil lang sa bwiset na “None of the Above” na yan. Sobrang nakakakaba lalo na kung wala sa choices ang nakuha mong sagot dahil hindi mo alam kung mali ang napindot mo sa calcu o sadyang wala talaga sa choices ang sagot. At may ka-engotan pa akong nagawa dun sa replacement problem. Imbes na proceeds ang i-minus ko, binawas ko yung book value ng old asset. Sheesh. Ganyan ang nagagawa ng pag-cram. Di kasi ako nakaaral nang maayos dahil tinapos ko pa ang KSR namin hanggang… 4am!
----------------
Buti na lang, Best Mem ako ng Info ngayong sem. Haha. Hindi ko talaga inexpect yun. Seryoso. Intro pa sa akin ni Mela, “kahit na laging nakakalimutang maghanda ng pagkain para sa kanya…” Sino pa kaya sa amin ang hindi kumakain ng barbecue??? Buti na lang mahal ako ng Info at talagang naghahanda pa sila ng special food para sa akin. Medyo pa-importante pero ganyan talaga, ayokong magkasala. Pasensya na rin sa inyo at hindi ako nakaka-attend ng overnight workshops (lalo na sa Stained Glass) dahil hindi ako pinapayagang mag-overnight. Ang pag-eedit ko siguro ng resume ang nagbigay sa akin ng award na iyon. Hmm… mag-co-chair kaya ako next sem???
*anisah* made a wish at 4:53 PM |
0 granted her wish
*******
Wednesday, January 18, 2006
Haggard Part 2 at Jewel in the Palace
Hay. Napaka-stressful na ng buwan na ito. Bukod sa midterms period, e marami rin kailangang isubmit at ilakad na mga bagay-bagay. Ayan tuloy, lalong dumadami ang pimples ko.
----------------
Nung nakaraang Miyerkules, pumunta kami nina Jen, Steph, Baj, Kitch at Vincent sa SEC para kumuha ng Articles of Partnership para sa Law. Medyo maaga kaming pumunta dun kasi baka maraming tao at abutin kami ng ten years para lang makakuha ng AOP. Buti na lang, walang masyadong tao at mabilis naming nakuha yung AOP. Pagkatapos nun ay dumiretso kami sa Galle para manood ng Narnia! One down, seven to go! Memoirs at Cheaper by the Dozen na next Wednesday. Di ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko.
----------------
Medyo kulang ako sa tulog these past few days. Hindi kasi ako nakabawi sa tulog nung weekend dahil nag-whole day meeting kami nung Sabado para sa 186, nagpuyat para sa Econ exam nung Sabado ng gabi, Econ exam nung Linggo ng umaga at gumawa ng homework nung Linggo ng hapon. Inabot din ako ng ten years sa kompyuter nung Linggo dahil sa feedback folder at pag-update ng checklists. 3am na tuloy ako nakatulog. At kamusta naman?! 630 ng umaga ako gumising. Kaya ayun, halos 12 oras akong tulog kanina – 1am to 1pm. Tapos mamaya magpupuyat na naman ako para sa exam sa finance sa Friday at lecture sa accounting bukas. Gagawin ko pa ang KSR at BPO namin sa 186. Owel, sirang-sira na talaga ang body clock ko.
----------------
Malapit na rin pala ang pinaplanong MSA Week (sa Feb. 6-10 na) pero parang wala pa akong masyadong nagagawa. Sa RVC naman, POS updating naman kami ngayon. Sa JPIA, job fair na next week. Sa JMA, mock marketing na rin. Hay. Nakaka-frustrate din minsan kasi kahit na anong gawin kong pag-iiskedyul e, parang kulang pa rin ang oras ko sa lahat. Yung tipong ang dami kong gustong gawin pero hindi ko pala kayang pagsabayin lahat?
----------------
Kahit konti na lang oras kong manood ng TV, dalawang palabas ang di ko mapapalampas: Etheria at Jewel in the Palace. Pero yung Jewel ang mas paborito ko sa dalawa. Sabi ng iba, puro pagkain lang naman daw ang palabas. Pero kung ganito ang pananaw niyo, ang babaw niyo naman. Higit pa riyan ang Jewel in the Palace. Siguro nagtataka rin ang iba kung bakit napakalaking isyu sa kanila kung sino ang magiging susunod na punong tagapamahala sa kusina. Mahalaga kasi ang posisyong iyon para kay Lady Choi dahil gustong makuha ng kanilang angkan ang kontrol sa pamamahala sa palasyo. May mga business dealings din kasi yung Kuya niya dun sa isang Ministro dun at dun sila kumikita. Kaya lahat ay gagawin niya para makuha ang posisyon na iyon, kabilang na ang pagpapadukot kay Lady Han. Unfortunately for her, natalo siya ni Jang Geum sa paligsahan. Kaya’t ang ginawa niya ay sinuhulan niya ang ibang tagapaglingkod at binoycott si Lady Han. Hindi raw karapat-dapat si Lady Han dahil wala naman siya sa paligsahan at galing siya sa mababang uri ng lipunan. Muntik nang panghinaan ng loob si Lady Han dahil sa nangyari pero buti na lang at andyan si Jang Geum upang umalalay sa kanya. Nagkaroon ng rematch at si Lady Han pa rin ang nanalo. Bitter naman si Lady Choi at di ko alam kung ano ang gagawin niya dahil mamayang gabi pa ipapalabas kung ano. Hehe.
Nakakatuwa ang palabas dahil punung-puno siya ng magagandang values gaya ng hope, faith, courage, at righteousness (totoo yan). Kaya nga Jewel in the Palace ang pamagat. Dahil si Jang Geum at ang kanyang mga kapanalig (sina Lady Han, etc.) ay mga natatanging personalidad sa isang lugar na punung-puno ng katiwalian at pamumulitika. Kahit na ganun ang sitwasyon nila, nagawa pa rin nilang tibayan ang kanilang loob at huwag magpadala sa mga “evil forces” na nakapaligid sa kanila. Kakaiba rin ito sa ibang palabas na puro love/romance ang theme. Yung mga tipong nagpapakilig lang (pero favorite ko pa rin ang Meteor Garden :P). Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Manood na rin kayo para masaya!!! :D
*anisah* made a wish at 3:53 PM |
0 granted her wish
*******
Tuesday, January 17, 2006
Medyo Totoo
Your Aura is Green |
Your Personality: You are a high achiever who is very competitive. You're bound to reach your goals, no matter how lofty. You in Love: Picky with high standards, it's hard to find your match. You need a man as driven as you are! Your Career: You need a high profile, challenging career to satisfy you. Consider finance, sales, or running your own company. |
Your Power Color Is Gold |
You're dependable and hard working. You never miss a deadline - and you're never late. You have a clear sense of right and wrong. You're very detail oriented. You get frustrated when your friends are sloppy - or when they don't follow through. You're on top of things, and you wish that everyone else was! |
*anisah* made a wish at 11:57 PM |
0 granted her wish
*******
Saturday, January 07, 2006
First 114. 2 Exam at MMFF
Tulad ng nasa pamagat, unang eksam namin kanina sa BA 114.2 a.k.a. Accounting. Medyo maayos naman ang eksam kasi walang long problem. Pero hindi pa rin ako sigurado sa mga sagot ko kaya hindi ko rin alam kung ano ang kahihinatnan ko. Bahala na si Darna!
Anyway, habang ako ay nagrereview kagabi para sa eksam ay napanood ko ang ilang bahagi ng MMFF awarding. Buti hindi ko tinapos dahil talagang hihimatayin na ako. Una, si Jose Manalo ang Best Supporting Actor!!! Bakit naman yun?! Di ko talaga matanggap! Tapos sina Mark and Jennylyn pa ang People’s Choice for Best Actor and Actress! Ano na ba ang nangyayari?! Basta ako, hindi ako kasama sa “People” na yan. Bahala sila sa buhay nila. Pagdating ko pa sa bahay kanina, siyempre nanood ako ng StarTalk. At kamusta naman? Naabutan ko si Annabel Rama na nag-eemote dahil walang napanalunan ang Mulawin! Sinisi pa niya sa Mother Lily. Well, mukhang may point naman siya. Tapos may presscon pa si Mother Lily. Walang impact kumpara kay Annabelle kasi binabasa lang ni Mother Lily yung nakasulat dun sa papel. Di gaya ni Annabelle na mukhang mangangain ng tao dahil sa galit. Owel, bahala na sila diyan. Basta Chronicles of Narnia na sa Wednesday! Yippee!
*anisah* made a wish at 5:08 PM |
0 granted her wish
*******