* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Friday, December 23, 2005
Must-See Movies and MMFF

Noong nakaraang Linggo, napanood ko na sa wakas ang Chicken Little. Wala rin siyang masyadong kuwento pero keri na rin kasi ang cute ng mga characters at medyo nakakaawa rin si Chicken Little.

Pero hindi yan ang punto ng aking entry. Mas na-excite pa kasi ako sa mga trailer na pinakita. Ang gaganda kasi ng mga pelikulang ipapalabas next year. At kahit maraming exam, okei lang yan! Dapat ay may oras para sa lahat. Hehe.

Eto ang mga pelikulang gusto kong mapanood:

1) Chronicles of Narnia
2) Cheaper by the Dozen 2
3) The Da Vinci Code (siyempre!)
4) Memoirs of a Geisha
5) Happy Feet
6) V for Vendetta (go Natalie Portman!)
7) Ice Age 2
8) X-Men 3

Hay. Kailangan nang magtipid-tipid para makanood ng sine! Owel. Coup b’etat bonding na naman ito! :D

Speaking of pelikula, ang loser ng mga kasama sa MMFF ngayon! Nasaan na ang mga quality movies?! Special effects na lang ba ang importante ngayon? Dapat kasi, pagbawalan na si Mother Lily na sumali. Siya lang naman ang kumikita kapag Disyembre e. Tama na ang Mano Po! Pati sina Bong Revilla at Vic Sotto, X na! (Hehe, Go __!) Parang sila-sila lang kasi. Tapos yung Blue Moon, na tanging drama na kasama sa MMFF, ay sa January 1 pa ipapalabas.

Isa pa, dapat ang tawag ngayon sa MMFF ay Metro Manila Fantasy Festival. Hindi naman sa sinasabi kong puro dramatic movies lang ang dapat maghakot ng awards pero please lang, dapat naman may variety sa MMFF. Kaya nga film fest e. Curious lang. Sino kaya ang magiging Best Actor and Actress? Richard Gutierrez and Angel Locsin? Jusme. Dapat yung mga tipong Maximo Oliveros ang kasama e (bitter!).

Ano na ba ang nangyayari sa pelikulang Pilipino?!


*anisah* made a wish at 10:57 PM |

*******

Comments:
haha! nakakatuwa naman ang post mo na ito... oo nga kelangan nating magipon... go Coup 'b etat friends! at may nalalaman ka pang X na cla ha.. huhummm...

well mukha namang okey ang "ako legal wife" hindi naman kasi sya ung typical mano po... pero dahil tatay ko ang nagbayad ng sine namin no choice kme kundi panoorin ang gusto niya ie EXODUS! yehess! haha
 
:: Maila ::

Kamusta ka naman?! Exodus pa ang pinanood mo! Yun din yata ang pinanood ng nanay ko at mga kapatid ko. Owel. Manood na lang tayo ng Narnia sa January 11! Hehe. :P
 
kay Gdwn:

Mukha ngang okei yung Ako Legal Wife. Pero Mano Po pa rin yun.

Natawa ako dun sa "NO TO REVILLA MOVIES!" No talaga! Buong angkan naman kasi nila ang nasa mga pelikula nila e.
 
haha.. sasabat ako... onga actually buong angkan nga nila ang andun sa EXODUS.. andun ang tatay niya pati na rin ang anak niya.. hehe...
 
Post a Comment

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com