Sa wakas! Napanood ko na rin ang pinakaaabangan kong Harry Potter and the Goblet of Fire. Big Preview pa lang sa HBO nung Sunday, na-excite na ako! Hehe. Kulang na lang talaga, sumigaw ako sa sinehan kanina.
At dahil hindi lang ako ang excited, maaga kaming pumunta sa Gateway. Kasama kong manood sina Maila, Joan, Jen, and Steph. Buti na lang at maganda yung seats na nakuha namin.
Ang ganda ng pelikula!!! Ang daming nakakatawang eksena (usually yung mga hirit ni Ron o kaya yung mga pinaggagawa nina Fred & George). Yun nga lang, nakakabitin talaga. Tsaka parang pinilit pagkasyahin sa 2 ½ hours yung movie. Basta ang daming tinanggal. Tsaka yung scene ni Voldemort, parang maikli. Pero sulit pa rin naman. Ang dami ring bagong characters. Mwaha.
I can’t wait for the Harry Potter 5 movie! Kaso lang sa 2007 pa yata yun. Tapos yung pagpapalabas sa HBO, malamang next year pa. May kasabihan nga tayo: Patience is a virtue. :D
Osha, andami ko pang gagawin. May 114.2 pa bukas (pero hindi muna ako magbabasa ng IAS). Sana makapanood na ulit ako ng CSI mamaya para mas masaya.
Last na, ang ganda ng theme song ng Panday (“Makita Kang Muli” by Sugarfree). Yun lang ang inaabangan ko. Sana makasama rin yun sa countdown sa Myx. Hehe.
MAKITA KANG MULI / Sugarfree
Bawat sandali ng, aking buhay
Pagmamahal mo, ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi, magbabago aking pagtingin
Pangako natin, sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay
Chorus:
Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong pusoLahat ay gagawin
Makita kang muli,
Makita kang muli,
Makita kang muli
Pusoy nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka pag nagiisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw
(repeat chorus)