Wednesday, November 30, 2005
Haller Haller Again
Kamusta naman dyan? Hay naku. Sobrang ngarag na ako. Wala pang tatlong linggo ang klase, nilamon na ako ng stress.
Malapit nang matapos ang newsletter namin sa MSA! Woohoo! Grabe, kinarir ko talaga tong project na to (at siyempre kasabay pa ang client presentation namin sa 186). Sana naman magustuhan ng mga MSAers ang newsletter. Hehe.
Plugging: MSA Acquaintance Party sa Friday, December 2, 4-7pm sa Vinzons rooftop. Aside from the usual get-together, important issues will also be discussed such as fundraising (c/o Mahar), USAID survey for the benefit of Mindanaoans, etc. Sana maraming makapunta! :D
December na pala bukas. At malapit na ang first exam namin sa 114! Huhu. Pero okei lang. Kaysa naman nag-aaral kami ng convertible, redeemable at callable bonds at kung anu-ano pa sa Christmas break no. Ang dami pang kailangang gawin sa bakasyon/bago magbakasyon tulad ng articles sa Guilder, followup sa RVC, handout sa mock, milestone sa 186 at marami pang iba (how ironic!).
Ayun. Dami kong di pa nakukuwento tulad ng aking MRT/LRT adventure. Saka na nga lang. Baboosh!
*anisah* made a wish at 7:07 PM |
0 granted her wish
*******
Wednesday, November 16, 2005
Harry Potter and the Goblet of Fire
Sa wakas! Napanood ko na rin ang pinakaaabangan kong Harry Potter and the Goblet of Fire. Big Preview pa lang sa HBO nung Sunday, na-excite na ako! Hehe. Kulang na lang talaga, sumigaw ako sa sinehan kanina.
At dahil hindi lang ako ang excited, maaga kaming pumunta sa Gateway. Kasama kong manood sina Maila, Joan, Jen, and Steph. Buti na lang at maganda yung seats na nakuha namin.
Ang ganda ng pelikula!!! Ang daming nakakatawang eksena (usually yung mga hirit ni Ron o kaya yung mga pinaggagawa nina Fred & George). Yun nga lang, nakakabitin talaga. Tsaka parang pinilit pagkasyahin sa 2 ½ hours yung movie. Basta ang daming tinanggal. Tsaka yung scene ni Voldemort, parang maikli. Pero sulit pa rin naman. Ang dami ring bagong characters. Mwaha.
I can’t wait for the Harry Potter 5 movie! Kaso lang sa 2007 pa yata yun. Tapos yung pagpapalabas sa HBO, malamang next year pa. May kasabihan nga tayo: Patience is a virtue. :D
Osha, andami ko pang gagawin. May 114.2 pa bukas (pero hindi muna ako magbabasa ng IAS). Sana makapanood na ulit ako ng CSI mamaya para mas masaya.
Last na, ang ganda ng theme song ng Panday (“Makita Kang Muli” by Sugarfree). Yun lang ang inaabangan ko. Sana makasama rin yun sa countdown sa Myx. Hehe.
MAKITA KANG MULI / Sugarfree
Bawat sandali ng, aking buhay
Pagmamahal mo, ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi, magbabago aking pagtingin
Pangako natin, sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay
Chorus:
Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong pusoLahat ay gagawin
Makita kang muli,
Makita kang muli,
Makita kang muli
Pusoy nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka pag nagiisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw
(repeat chorus)
*anisah* made a wish at 6:20 PM |
1 granted her wish
*******
Saturday, November 12, 2005
My Most Stressful Sem...
... so far. First day of classes yesterday pero wala naman kaming 114.2 and 151 tsaka nagbigay lang ng syllabus sa econ 190.2 so parang wala lang. Kanina naman, may 186, 142 and 162. The usual: bigay ng syllabus, discuss ng house rules, grouping, info sheet, etc.
Bakit nga ba stressful para sa akin ang 2nd semester, AY 2005-2006?
ACADS
Econ 190.2 (Monetary, Fiscal & Dev. Policy): Maraming readings. Gusto ko sanang magpaka-keser at basahin lahat pero sabi ng aking friends na nag-190.2 na dati ay hindi naman to kailangan. Basta lang makinig sa lectures. Good luck na lang sakin dahil madalas akong bangenge pag may lecture (especially the boring ones). Before 114.2 pa man din ito. Pero I’ll do my best not to sleep during class. Hehe. Malamang kasi puyat ako dahil sa pagbabasa ng IAS during the weekend.
BA 114.2 (Accounting Theory and Practice II): My favorite subject (dapat) this sem. Eto dapat ang pinaka-kinakarir. Magbabasa na ako ng IAS as if it’s the most exciting book in the world. Basta! Todo na ‘to! Huwag sana akong mabiktima nito. Na-convince ko na ang aking sarili na kailangan kong maging CPA. Useful din naman kasi ang BAA course kung kukuha ako ng law e. Tsaka naniniwala na akong mas okei maging CPA-lawyer kaysa sa lawyer lang.
BA 151 (Human Behavior in Organizations: Hindi pa kami nagmimit pero sa tingin ko, ito ang aking easiest subject this sem.
BA 186 (Systems Analysis and Design): Daming requirements! Ginawa pa akong group leader! Pero okei lang. Ganyan talaga. OC raw kasi ako. Totoo naman kasi ako ang madalas gumagawa ng final draft ng written reports namin. Grabe. Gusto ko ring karirin to. Lalo na yung presentation. Excited na ako pero nangangamba rin sa stress na dulot nito. Haller to my 186 friends: Kristy, Jonna, Jen, Maris, Rei, and Lawrence. In alphabetical order yan ah. :P
BA 142 (Business Finance II): Stress din to. Mukhang mataas ang expectations sa amin ng prof kasi nasa klase daw namin ang “cream of the cream.” Naligaw kasi kami sa 4th year BAA block. Hay. Dadaanin ko na lang din sa pagbabasa at pagsagot ng mga exercises. Magpapaka-bibo na nga rin ako for the sake of graded recitation.
BA 162 (Law on Business Organizations): Heavy reading din ito. 3 libro ang gagamitin namin plus other readings. Kakaiba sa BA 161 ni Sir Villafranca. Ika nga ni Jen, mamimiss namin ang Villafranca holidays. May special project pa kami.
Hence, masisira na siguro ang mata ko dahil sa dami ng babasahin. Iinom na naman ako ng sangkaterbang kape para magpuyat. At higit sa lahat, less time for watching telenovelas! Wait, di pa diyan nagtatapos ang aking stress story. Eto pa:
ORGS
MSA – Dahil ako ang VP for Externals, ako ang in-charge sa aming alumni homecoming and other externals-related projects. Kamusta naman tayo diyan? Sa February malamang ang MSA Week at yun din ang presentation namin sa 186.
RVC – Eto ang unexpected: after being promoted to Personnel Department Apprentice nung Wednesday, naging Secretariat Coordinator ako kahapon. That means more RVC work for me. Pero okei lang dahil service naman ang aming ginagawa. :D
JPIA – Staff ako for Alumni Relations and University Job Fair. Masaya namang mag-work dito kasi kasama ko ang aking BA friends.
JMA – PC ng mock marketing. Let’s go Director Maila! Ngayon lang ulit ako nag-PC (uy... mag-aactive ulet) kasi gusto kong tulungan si Director Maila. Hehe. Tsaka maganda rin naman ang project na ito.
Guilder – News editor. Ayun, sulat-sulat, edit-edit tapos... hindi mapa-publish! Ang tagal nung Downright ah. Tapos hindi pa na-publish yung sinulat ko for Guilder mag. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako galit sa aming higher editors pero sayang naman ang time na ginugol ko sa pagreresearch at pagsusulat.
AuxCorps – Hindi pa ako nagrereaff pero sinabi ko naman kay Sushee na tutulong pa rin ako. Hanggang gupit-gupit na lang siguro ako. Hehe.
O ano? Stressed ka na rin? Ganito siguro ang iniisip mo ngayon: “Ano ba yang si anisah?! Kung anu-anong sinasalihan tapos nagrereklamo na stressed siya!” Hay. May point naman kayo diyan. Pero gusto ko lang magpaka-active ngayong sem and make the most out of my college life. Masaya naman ako sa mga ginagawa ko kasi bukod sa may silbi sa iba ang mga ginagawa ko, parang may sense of fulfillment ako na nababalance ko ang acads at orgs. Na-gets niyo ba ako? Hehe. Pero siyempre, darating din ang point na gusto mo na lang matulog at ipagawa sa iba ang responsibilities mo. Yun ang pinangangambahan ko. Sana’y magkaroon ako ng enerhiya at disiplina to help me survive this sem. Siyempre kailangan din ng support ng friends and family. At OC-ness. At time management. Karir na ito!!!
This weekend, baka lumabas kami kasi may mga bibilhin akong books at birthday ng kapatid ko sa Sunday. Sana mapadpad ulit kami sa Market! Market! Gusto ko ulit bumili ng John Grisham na novel. Haha.
Harry Potter 4 na rin sa Wednesday! Hehe. Excited na ako. Pagkatapos naming manood sa Gateway, didiretso na kami sa Araneta para mag-inquire para sa 186 namin (event center kasi yung na-aassign sa amin).
Whew! Haba na pala nito. Tagal ko na kasing di nakapag-blog. At malamang, tuwing weekends na lang ako mag-uupdate this sem (baka sakaling may araw-araw nagbabasa ng blog ko). Hehe. Adios! :D
*anisah* made a wish at 12:06 AM |
0 granted her wish
*******
Saturday, November 05, 2005
Happy Happy Again!
Yehey! Kanina naman ay galing kami ng aking high school friends (Addie, Cherry, Godsy, Redsa, at Tin) sa Galle. 1030 kami dapat magkikita sa gym but due to fortuitous (?) events ay mga 12 na kami nakaalis papuntang Galle.
Pagdating dun, siyempre kumain muna kami. Dun kami sa foodcourt para mas maraming choices. Pagkatapos ay nilibot namin ang Galle para maghanap ng CDs, magazines, at kung anu-ano pa. Andun lang kami palakad-lakad. Siyempre nagkwentuhan din kami. Hindi na kami nanood ng sine kasi wala namang magandang palabas ngayon. Tapos kumain din kami ng donuts sa Hot Loops. Grabe, sobrang tamis talaga ng donuts dun. Plano rin naming pumunta sa Dreamscape kaso lang ang mahal pala kaya naglibot na lang ulit kami. Kung saan-saan kami napadpad. Hehe. Pumunta rin kami sa National sa baba tapos nakita namin ni Godsy si “Sandara” (hehe). Basta yung malaking poster (?) niya na life-size. Basta di ko ma-explain. Ayun. Nag-pichur-pichur kami ni Godsy. Okei lang kasi hindi naman kami pinagalitan. Nyaha. Nung malapit nang mag-5pm, pumunta kami sa basement at binasa na lang ang mga magazines na binili ko. Tapos siyempre, pichur-pichur na naman! Hehe.
Ayan. Alam ko na rin pala kung paano mag-commute papuntang Galle kaya di na ako maliligaw. Mwehe. Hay. Kahit palakad-lakad lang kami dun, ayos pa rin kasi matagal na kaming di nagkikita ng high school friends ko. Sayang nga lang at wala si Mere. Manila girl na kasi e. Hehe. Sana next time marami nang sumama. O kaya reunion na lang (kahit sa Dao lang). Hehe. Wala lang. Hindi na kasi kami masyadong nagkikita-kita kasi wala na masyadong GE tsaka nilalamon na rin siguro kami ng mga majors namin. Hindi naman sa hindi ako masaya with my BA friends. In fact, sobrang masaya ako at nakilala ko sila’t naka-bonding. Pero siyempre, hindi naman natin dapat kalimutan ang ating old friends at we should always keep in touch with them. :D
Godsy, pa-email pala ng pics ah? Pang-Friendster na to! Hehe.
*anisah* made a wish at 7:07 PM |
1 granted her wish
*******
Friday, November 04, 2005
Happy Happy!
Yehey! Bilang selebrasyon sa pagtatapos ng Ramadhan, lumabas kami ng aking pamilya kanina. Una kaming pumunta sa Greenhills para mag-tanghalian sa Wonton (syempre yun lang ang pinunta namin dun). Tapos dumiretso kami sa Market! Market! Haha. Ang saya. Ako yata ang may pinakamaraming nabili sa amin. Una, bumili ako ng keychain na Pooh tsaka Patrick dun sa isang stall ng mga laruan dun. P30 isa pero okei lang kasi favorite characters ko naman yun. Tapos may nakita kaming bilihan ng mga bag at in fairness, P50 lang ang benta nila. Syempre, bumili ako – isang pink (as usual) at isang blue. Actually, hindi naman P50 lahat ng bag dun. May P100-something yata. Pagkatapos ng medyo mahaba-habang paglilibot ay may nakita akong bilihan ng mga libro (Chapters and Pages yata ang pangalan). Buti na lang at pumasok ako dahil kung hindi, hindi ako makakabili ng John Grisham na librong gustong-gusto kong bilhin (The Runaway Jury). At magkano naman ang libro? P140 lang. P345 yun sa National no. Sayang nga lang at malapit nang magpasukan. Dapat kasi matagal na akong pumunta sa Market! Market! Hehe. Tapos mayroon din pala akong nabiling mga pink envelope. Wala lang. Gusto ko lang bilhin yun (syempre pink). Tsaka P20 lang naman yun e (5 piraso yata). Nyaha.
Bukas naman, sa Galle kami with my high school friends! Happy happy talaga! :D
*anisah* made a wish at 4:31 PM |
0 granted her wish
*******