... so far. First day of classes yesterday pero wala naman kaming 114.2 and 151 tsaka nagbigay lang ng syllabus sa econ 190.2 so parang wala lang. Kanina naman, may 186, 142 and 162. The usual: bigay ng syllabus, discuss ng house rules, grouping, info sheet, etc.
Bakit nga ba stressful para sa akin ang 2nd semester, AY 2005-2006?
ACADS
Econ 190.2 (Monetary, Fiscal & Dev. Policy): Maraming readings. Gusto ko sanang magpaka-keser at basahin lahat pero sabi ng aking friends na nag-190.2 na dati ay hindi naman to kailangan. Basta lang makinig sa lectures. Good luck na lang sakin dahil madalas akong bangenge pag may lecture (especially the boring ones). Before 114.2 pa man din ito. Pero I’ll do my best not to sleep during class. Hehe. Malamang kasi puyat ako dahil sa pagbabasa ng IAS during the weekend.
BA 114.2 (Accounting Theory and Practice II): My favorite subject (dapat) this sem. Eto dapat ang pinaka-kinakarir. Magbabasa na ako ng IAS as if it’s the most exciting book in the world. Basta! Todo na ‘to! Huwag sana akong mabiktima nito. Na-convince ko na ang aking sarili na kailangan kong maging CPA. Useful din naman kasi ang BAA course kung kukuha ako ng law e. Tsaka naniniwala na akong mas okei maging CPA-lawyer kaysa sa lawyer lang.
BA 151 (Human Behavior in Organizations: Hindi pa kami nagmimit pero sa tingin ko, ito ang aking easiest subject this sem.
BA 186 (Systems Analysis and Design): Daming requirements! Ginawa pa akong group leader! Pero okei lang. Ganyan talaga. OC raw kasi ako. Totoo naman kasi ako ang madalas gumagawa ng final draft ng written reports namin. Grabe. Gusto ko ring karirin to. Lalo na yung presentation. Excited na ako pero nangangamba rin sa stress na dulot nito. Haller to my 186 friends: Kristy, Jonna, Jen, Maris, Rei, and Lawrence. In alphabetical order yan ah. :P
BA 142 (Business Finance II): Stress din to. Mukhang mataas ang expectations sa amin ng prof kasi nasa klase daw namin ang “cream of the cream.” Naligaw kasi kami sa 4th year BAA block. Hay. Dadaanin ko na lang din sa pagbabasa at pagsagot ng mga exercises. Magpapaka-bibo na nga rin ako for the sake of graded recitation.
BA 162 (Law on Business Organizations): Heavy reading din ito. 3 libro ang gagamitin namin plus other readings. Kakaiba sa BA 161 ni Sir Villafranca. Ika nga ni Jen, mamimiss namin ang Villafranca holidays. May special project pa kami.
Hence, masisira na siguro ang mata ko dahil sa dami ng babasahin. Iinom na naman ako ng sangkaterbang kape para magpuyat. At higit sa lahat, less time for watching telenovelas! Wait, di pa diyan nagtatapos ang aking stress story. Eto pa:
ORGS
MSA – Dahil ako ang VP for Externals, ako ang in-charge sa aming alumni homecoming and other externals-related projects. Kamusta naman tayo diyan? Sa February malamang ang MSA Week at yun din ang presentation namin sa 186.
RVC – Eto ang unexpected: after being promoted to Personnel Department Apprentice nung Wednesday, naging Secretariat Coordinator ako kahapon. That means more RVC work for me. Pero okei lang dahil service naman ang aming ginagawa. :D
JPIA – Staff ako for Alumni Relations and University Job Fair. Masaya namang mag-work dito kasi kasama ko ang aking BA friends.
JMA – PC ng mock marketing. Let’s go Director Maila! Ngayon lang ulit ako nag-PC (uy... mag-aactive ulet) kasi gusto kong tulungan si Director Maila. Hehe. Tsaka maganda rin naman ang project na ito.
Guilder – News editor. Ayun, sulat-sulat, edit-edit tapos... hindi mapa-publish! Ang tagal nung Downright ah. Tapos hindi pa na-publish yung sinulat ko for Guilder mag. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako galit sa aming higher editors pero sayang naman ang time na ginugol ko sa pagreresearch at pagsusulat.
AuxCorps – Hindi pa ako nagrereaff pero sinabi ko naman kay Sushee na tutulong pa rin ako. Hanggang gupit-gupit na lang siguro ako. Hehe.
O ano? Stressed ka na rin? Ganito siguro ang iniisip mo ngayon: “Ano ba yang si anisah?! Kung anu-anong sinasalihan tapos nagrereklamo na stressed siya!” Hay. May point naman kayo diyan. Pero gusto ko lang magpaka-active ngayong sem and make the most out of my college life. Masaya naman ako sa mga ginagawa ko kasi bukod sa may silbi sa iba ang mga ginagawa ko, parang may sense of fulfillment ako na nababalance ko ang acads at orgs. Na-gets niyo ba ako? Hehe. Pero siyempre, darating din ang point na gusto mo na lang matulog at ipagawa sa iba ang responsibilities mo. Yun ang pinangangambahan ko. Sana’y magkaroon ako ng enerhiya at disiplina to help me survive this sem. Siyempre kailangan din ng support ng friends and family. At OC-ness. At time management. Karir na ito!!!
This weekend, baka lumabas kami kasi may mga bibilhin akong books at birthday ng kapatid ko sa Sunday. Sana mapadpad ulit kami sa Market! Market! Gusto ko ulit bumili ng John Grisham na novel. Haha.
Harry Potter 4 na rin sa Wednesday! Hehe. Excited na ako. Pagkatapos naming manood sa Gateway, didiretso na kami sa Araneta para mag-inquire para sa 186 namin (event center kasi yung na-aassign sa amin).
Whew! Haba na pala nito. Tagal ko na kasing di nakapag-blog. At malamang, tuwing weekends na lang ako mag-uupdate this sem (baka sakaling may araw-araw nagbabasa ng blog ko). Hehe. Adios! :D