* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Tuesday, October 25, 2005
Chorvalu: Ang Pagbabalik

Bakit nga ba ganito ang pamagat? Wala lang. Wala lang akong maisip. Hehe. Ayoko naman ng Chorvalu Part 2 o kaya Chorvalu: The Next Episode. Kaya ayan na lang. Parang “Darna: Ang Pagbabalik” (let’s go Anjanette Abayari!).

Lumabas na ang grades namin sa 114 last week at sa kabutihang-palad ay BAA pa rin ako. Yun nga lang, nung panahong din yun ay napag-isipan kong mag-shift na lang sa BA pero napagdesisyunan kong bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang accounting at ibuhos ang aking full powers sa pagkakataong ito. Samakatuwid, hindi muna ako manonood ng TV, hindi makikipag-usap sa mga tao, magkukulong sa kwarto at imememorize ang buong IAS kasama na ang BC... JOKE LANG!!! Exag naman ang mga yun. Basta I’ll do my best at tingnan natin kung anong mangyayari. Tulad nga ng sinabi ko dati sa aking mga friends, kakayanin ko naman ang accounting pero parang ayaw ko nang kayanin. Ngayon, susubukan kong mahalin ang accounting with all my heart. Ewan ko ba, pag nagbabasa ako ng IAS parang nasusuka ako. Tsaka si Sir Gregorio kasi, BI! Overworked and underpaid daw ang accountants. Syempre na-discourage naman ako. Paano ba naman, ang hirap-hirap ng accounting pero magiging underpaid din naman pala?! Di bale na, sana matuloy ako sa pagkuha ng law para masaya. Hehe.

Hay. Ano nga ba ang ginagawa ko ngayong sem break? Wala naman masyado – matulog, manood ng TV, mag-internet, at kumain kapag gabi (parang bampira). At dahil wala akong masyadong magawa, ikukuwento ko na lang ang ilan sa aking mga muni-muni tungkol sa mga napanood ko sa TV:

* Nung isang araw ay napanood ko ang “In the Name of Love” video ni Yasmien Kurdi. In fairness, maganda naman pala talaga ang boses niya (mas maganda pa kay Jennylyn). Yun nga lang, mas maganda siyang pakinggan na lang sa radyo kaysa panoorin sa TV.

* Napanood ko rin uli yung “This is the Moment” na video ni Erik Santos. Basta yung nanalo siya sa Star in a Million. Grabe, talaga palang tumaba siya. Lalo niya tuloy naging kamukha si Roderick Paulate. Kaya pag napapanood namin ang video niya, lagi kaming napapasigaw ng “Kuya Dick! Kuya Dick!” Hehe.

* Napanood ko na naman for the nth time ang Armageddon nung Linggo at napapaiyak pa rin ako sa last part. Basta nung nagpa-iwan si Bruce Willis atsaka nung nagpapaalam na siya kay Liv Tyler. Ewan ko ba kung bakit. Basta napapaluha talaga ako. Epekto siguro ng theme song. Mwaha.

* Ang weird ng Darna. Period.

* Kadiri ang Panday. Masyado rin siyang over hyped. Sana mag-flop siya.

* Kadiri rin ang PBB. Ang pangit pala ng taste ni Sam. Bakit naman si Chx?!

Ay, ngapala. Uno ako sa PI! Yehey!!! Nagbunga rin ang aking efforts na magbasa ng gabundok na readings (pwedeng-pwedeng ipang-bagsak). Haha. :D

Quote ulit: :)

It was a high counsel that I once heard given to a young person, "Always do what you are afraid to do."
-- Ralph Waldo Emerson


*anisah* made a wish at 1:11 PM |

*******

Comments:
Congrats sa 114.1! Subukan mo pa ring mahalin ang accounting kahit di ka nyan mahal. Balang araw mamahalin ka rin nyan. :D

Naiiyak din ako sa last scene ng Armageddon. Hehe, may replays kasi uli sa Star e. Grabe kasi e, sinacrifice ni Harry sarili nya para kay AJ. Tapos yung final message ni Harry para kay Grace. :D
 
How true! Yun din ang iniiyakan ko. Hehe. 10 million times yatang nirereplay yun dun. Hehe. :D
 
alam mo hindi naman kasi pagiging accountant and end-all and be-all ng baa.:D hehehe.. sobrang daming career opportunities na available pag baa graduate ka tulad ng sales, marketing, at ang isa sa mga most demanded - finance. sa pilipinas kasi ngayon, mejo requirement na cpa ka para mag finance ka.:D o di ba! basta go lang ng go. wag kang madiscourage sa mga distractors. hehehe
 
Jay: Salamat sa mga encouraging words. Hehe. :D
 
haha. onga e. ewan ko ba. nakakapang-hina kasi ng loob ang accounting e.
 
Post a Comment

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com