Hay. OJT at Unilever has been somewhat stressful. We have two projects sa Financial Accounting and one batch project. Yung sa department namin, team kami nina Gerjane and Lance (from Ateneo). Grabe, puro interviews kami. Para tuloy kaming auditors. After the two projects, feeling ko magiging bestfriend na namin si Visio. Tapos yung batch project naman, which was discussed yesterday sa first out-of-the-cube session namin, groupmates ko na naman sila at yung other OJTs from the Finance department (tsaka World Class Excellence and Legal departments).
Every Friday pala, wala kaming trabaho. Yun nga yung out-of-the-cube sessions namin. May talks tsaka team-building activities. At in fairness, andaming pagkain! Breakfast, morning snacks, lunch, afternoon snacks, at dinner. Grabe talaga.
At dahil haggardous nga ang magcommute everyday, nagsstay ako sa UN Gardens sa may tapat ng Unilever. Ika nga ni Ms. Geneve, tatlong tumbling lang ang layo sa office. Although, di naman ako nagtutumbling, tumatawid lang. Hehe. Buhay bum ako pagdating dun dahil wala akong ginawa kundi manood ng TV. Hehe. Although siyempre nakakamiss din ang bahay. Umuuwi naman ako pag weekend (tulad ngayon).
CAP na pala ako. Kinuha kasi ako ni Rosey na staff for pub. Ayan si Rosey pala, bestfriend na niyan si Visio. Araw-araw yata silang magkaharap nun. Hehe.
Hay, so far, not much progress sa Guilder. Tatlo kasi sa EdBoard (Baj, Jed and me) ay may OJT tapos si Kat nasa Mindanao. Yung guy from FA, well, di pa kami close. Sana makapagmeet kami soon. Excited na ako mag-work. Hehe.
Speaking of work, nakakabagot pala ang 8-hour stay sa office. Tapos financial accounting pa kami. Ano ba. Nakakamiss tuloy ang school. Mas flexible ang sked. Tsaka siyempre mas masaya. Hehe.
Lapit na ng Spiderman 3. At pati na rin ang mga movies na inaabangan ko this year. Grabe, ubos ang kayamanan ko niyan. Pero keri lang, masaya naman manood ng movie. Hay, sana makagala ako this summer. Dami kasi ginagawa for OJT and orgs eh. Di bale, lalabas naman daw kami nina Ate Aira. Lakwatsa with my high school friends na lang ang kulang. :)