Wow. Mga 4 months na akong hindi nakapagpost dito. Syempre andami nang nangyari dun no. Well, to sum it up, nakakaubos ng energy ang nakaraang semestre. Ang daming kahaggardan at depressed modes pero syempre may mga masasaya namang nangyari. :)
Safe naman ako sa scholarship ko. Yun nga lang, tulad ng 1st sem, kelangan ko pang kabahan to the highest level. Buti na lang at matino ang grade ko sa 118 (kahit hindi full force ang aking pag-aaral) at naka-1.25 pa ako sa BA 121 (akalain mo). Goodbye magna dreams! Di bale, safe naman na ako sa cum. Hehe.
Haggard din kami sa paghahanap ng internship. Matapos ang madugong OJT-hunting, sa Unilever na ako. Nagstart na kami kanina pero wala pang masyadong ginawa, mostly orientation lang. Dun ako sa Financial Accounting Shared Services Department. Waah! Kinakabahan talaga ako sa project ko. Hay, paninindigan ko na ito lalo pa’t may isa pang good news na natanggap ako kanina. Pero di ko muna isheshare. Hehe.
Sa orgs naman, ayun, EIC na ako sa Guilder next year. Kaya hindi ako nag-EB sa JPIA (kahit 3 positions na ang inoffer sakin, hehe). Staff na lang ako ng NF. Kinontrata ako ni Lawrence eh.
Hay, tapos na ang Princess Hours. Mamimiss ko talaga ang Koreanovelang yan. Eto lang yata ang palabas na naka-affect sakin ng sobra. Hay. Wag ka, nakasave sa cel ko ang heartbreaking at makabagbag-damdaming message ni Gian kay Janelle:
Hindi ko na maalala kung kailan kita sinimulang mahalin. Hindi ko na rin namalayan. Niyanig mo ang mundo ko at binuhay mo ako, nahukay mo ang pinakailalim ng puso ko. Napalambot mo ang matigas kong puso. Iniisip na kita, hinahanap-hanap ka pag wala ka sa tabi ko. Napapangiti mo ako. Halos mabaliw ako sa pag-ibig ko sayo tapos gusto mo ng divorce? Eto lang ang tatandaan mo, ikaw ang unang tumalikod sa ating dalawa, hindi ako.
Grabe, napatigil talaga ako diyan. Actually, maraming scenes na tagos sa puso. Kulang pa ang countdown dun sa Princess Hours special. Di bale, at least hindi ko to kailangang hintayin gabi-gabi at makakatulog ako ng mas maaga.
Hay. Kulang pa ang mga yan pero di ko na lang kukwento. Haha.
Friends, labas naman tayo! Miss ko na kayo!!! :(