Sunday, May 28, 2006
Water Fun!
Alam kong medyo late na para magbabad sa swimming pool dahil patapos na ang summer at tag-ulan na. But no, sumama pa rin ako sa outing ng day care sa office ng mama ko. Di bale na, masaya namang mag-”swimming” eh. Haller, naglalakad lang kaya ako sa pool. Di kasi ako makalutang eh. Nakakaaliw din yung wave pool. Hehe. Basta ang saya (kahit mainit)!!! Pero siyempre may kapalit ang kaligayahang yan. Kung maitim ako noon, mas nognog na ako ngayon (pero sa kabutihang palad, hindi naman ako kasing-itim ng anino)! Saka na ang mga pichurs. Upload ko na lang siguro sa Friendster ko.
----------------
So Taylor Hicks won American Idol. Congrats sa kanya. I think he deserved it naman. Pero that doesn’t mean na walang mangyayari sa kinabukasan ni Elliott. Makabili nga rin ng album niya. Btw, nakakainis yung ”Puck & Pickler” na segment. Mukhang tanga talaga si Kellie. At dahil hindi ko kilala si Prince, nagulat ako nung bigla siyang kumanta. Sabi ko tuloy, ”Good morning, sino ka kuya?” Weird question, bading ba yun?
----------------
At dahil ang olats na ang mga palabas sa telebabad ng GMA-7, lalo pa’t ipapalabas na ang Captain Barbell sa Lunes, ililipat ko lang ang channel sa GMA pag Jewel in the Palace na. Di pwedeng mamiss ito. Last 2 weeks na eh. Mas kaabang-abang din kasi ang My Girl, PBB, at Wonderful Life sa ABS. Sana sa pasukan, konti na lang ang magandang palabas sa gabi para wala nang distractions. Haha, palusot.
----------------
Namimiss ko na ang Maskman! Kasi naman, bakit Shaider lang ang pinapalabas ngayon sa Hero? Michael Joeeeee!!!
----------------
Napanood ko na ang X3 at Da Vinci Code!!! Yey! Abangan na lang ang aking comments sa mga susunod na blog entry. :D
*anisah* made a wish at 2:55 PM |
1 granted her wish
*******
Sunday, May 21, 2006
Hale
Ayos. Triple platinum na ang debut album ng Hale. Dahil bumili ako? Hehe. In fairness, maayos ang live performance nila ng Blue Sky sa ASAP kani-kanina lang. Hindi pumiyok si Champ. What a miracle.
*anisah* made a wish at 2:02 PM |
0 granted her wish
*******
Thursday, May 18, 2006
Boohoo
Waahhh. Elliott’s out. Kath-Taylor showdown na ‘to. Sana si Kath na lang manalo; astig yung Somewhere Over the Rainbow niya kagabi e. Kaya lang malaki talaga ang fan base ni Taylor. Ewan ko ba. Hindi ko 100% gusto si Kath (di gaya ng pagka-fanatic ko kay Carrie Underwood). Parang walang feelings yung pagkanta niya, di tulad kay Elliott na “hearty” ang performance.
----------------
Gusto ko ring manood ng X-Men 3!
*anisah* made a wish at 5:21 PM |
0 granted her wish
*******
Wednesday, May 17, 2006
Chorvalu Part IV
Sa isang linggo na ang finale ng American Idol. Sana Elliott-Kath showdown ito. Kahit na sa tingin ko’y dapat natanggal si Kath last week, mas gusto ko naman siya kaysa kay Taylor. Subalit tila may makapangyarihang anting-anting si Taylor dahil hindi pa siya nalalagay sa bottom three. Hay. Abangan ang susunod na kabanata.
----------------
At dahil excited na talaga akong magbasa ng Agatha Christie, tinapos ko na yung dalawang librong binili ko. Grabe, tunay na walang kupas ang pagsusulat ni Agatha Christie. Peyborit ko talaga siya. Panahon na para mag book-hunting na naman.
----------------
R-18 ang Da Vinci Code. Paano ako makakapanood niyan? E hindi naman pinapalabas sa SM ang mga R-18. Gudnes. Dadayo pa ako sa malayong mall (at Gateway na ang pinakamalapit sa kanila). Naman naman.
----------------
Hmmm... kung inyong mapapansin, wala naman akong exciting na post ngayong summer. Kung noong pasukan ay puro tungkol sa acads at orgs ang sinusulat ko, ngayon nama’y puro TV, libro, atbp. Wala naman kasi akong panahon na mag-contemplate at magsulat tungkol sa mga seryosong bagay (yuck, parang joke lang pala ang mga sinusulat ko rito). Kung meron man, natutulog lang ako. At para namang may kakaibang mangyayari sa akin ngayong summer. E andito nga lang ako sa bahay. Boo.
*anisah* made a wish at 2:16 PM |
0 granted her wish
*******
Saturday, May 13, 2006
Finally!
Sa wakas, nakabili na rin ako ng Agatha Christie mysteries! Dalawa pa ah. Yung isa sa Fully Booked (The Seven Dials Mystery) tapos yung isa sa Books for Less (Postern of Fate). Di ko pa tapos yung The Chamber ni John Grisham pero makakapaghintay yun.
Come to think of it, wala akong ginawa ngayong summer kundi manood ng TV, magbasa ng libro at pumunta sa skul para sa bagay-bagay na may kinalaman sa orgs. Sa isang linggo naman, uuwi sa probinsya yung katulong namin kaya ako ang kanyang magiging “substitute”. Hehe. Kailangan may productive din akong gawin maliban sa paglilinis ng bahay. Hay. Gusto ko na ring mag-beach!!! Kaya lang umuulan na eh. :(
*anisah* made a wish at 7:16 PM |
0 granted her wish
*******
Thursday, May 11, 2006
Badtrip
Kamusta naman? Sinamahan ko kanina ang kapatid ko sa advanced freshie reg. Medyo mabilis naman yata ang sistema sa AS kaya lang inabot sila ng 1 million years sa kaka-orient nila sa college niya (hulaan niyo na lang). E puro GE lang naman ang subjects nila sa 1st sem. Dapat sa June pa yung mga super detailed na mga bagay-bagay sa course niya. Hmph.
----------------
Sheesh. Si Chris pa ang natanggal sa AI kanina. Base sa performance nila kagabi, dapat si Katharine ang natanggal eh. Baka di pa rin makalimutan ng mga tao ang cleavage niya. Sana si Elliott na lang ang manalo. Kahit hindi siya kagwapuhan, maganda naman ang boses niya. Pero ibang lebel pa rin si Carrie Underwood, ang aking super dooper mega to the max peyborit Idol. Salamat nga pala kay Joanness Santiago Batimana at binigyan niya ako ng kopya ng album ni Carrie. Binurn lang pala niya yun. But still, ang P 460 ay P 460. Kaya maraming salamat kay Joan at nakatipid ako. Hehe. I lab you Carrie!!!
----------------
Wala pa rin akong nakikitang murang Agatha Christie (basahin ang aking previous post nang malaman ang aking hinaing). Actually, may isang hilerang AC books sa Fully Booked sa Greenhills. Ngunit sa kasamaang-palad, wala akong dalang pera nun. Binilang ko pa yun ah. 29 titles yung andun. Mabalikan nga sa Sabado. Kahit pa P 288 yun. I lab you too Agatha Christie!
*anisah* made a wish at 7:44 PM |
0 granted her wish
*******
Wednesday, May 03, 2006
Help Wanted
Saan ba makakabili ng Agatha Christie na libro (yung mura sana)? Nasestress na ako sa kakahanap nun. Peyborit ko kasi yun eh. At matagal na rin akong di nakakapagbasa nun. Tatlong bookstore na ang napuntahan ko sa SM Fairview (including National Bookstore) pero wala pa rin. Sabagay, hindi naman ganung kalaki ang SM Fairview. Kaya kung may alam kayo, pakiemail na lang ako (pinxtar_16@yahoo.com) o kaya’y tumawag sa 1-800-1ANISAH (joke lang po ito). Maraming salamat! :D
----------------
Nakakamiss ang Encantadia at My Name is Kim Sam Soon. Wala na tuloy akong mapanood pag gabi.
*anisah* made a wish at 7:41 PM |
1 granted her wish
*******