* Wanted: Fairy Godmother *
* Wanted: Fairy Godmother *


:: Links ::

UP CBA
* Aira
* Berna
* Chad
* Charie
* Crystle
* Jay Jay
* Jill
* Jon
* Kristy
* Lawrence
* Maila
* Mak
* Manu
* Mico
* Momon

UPIS 03
* Agathz
* Garma
* Gerald
* Godsy
* Mere

Friends
* Jauhari
* Squidders
* Talia

* my Friendster blog
* my Friendster profile
* my Multiply site

Others
* Bangsamoro.com
* Friendster
* Google
* Hotmail
* Peyups
* UP Diliman
* UP JPIA
* UP Webmail
* Yahoo!

:: Past Wishes ::

* September 2005
* October 2005
* November 2005
* December 2005
* January 2006
* February 2006
* March 2006
* April 2006
* May 2006
* June 2006
* July 2006
* August 2006
* September 2006
* November 2006
* December 2006
* January 2007
* April 2007
* May 2007
* June 2007
* July 2007
* August 2007

Saturday, December 31, 2005
Haggard

Hay naku. Sirang-sira na ang iskedyul ko. Dapat mga 3 oras lang ako sa kompyuter para tapusin na yung milestone 2 namin sa 186. But no. Inabot ako ng mahigit 4 na oras! Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon lang namin tinapos to, ganito yun. Matagal na kaming tapos dun sa mismong level 1 processes kaso nga lang, hindi lahat sa amin ay may visio. Kaya ayun, medyo na-delay ang paggawa. At ang nakakainis pa diyan, meron pala kaming installer ng visio dito! Kung alam ko lang talaga, sana matagal na kaming tapos. Pero nangyari na ang di dapat mangyari. Tsaka na-email ko na rin naman kay ma’am yung diagrams.

Sa Monday na ang pasukan pero hindi pa ako tapos gumawa ng mga homework. Hay. Radioactive powers, nasaan ka na?! Bukas ko na tatapusin ang pagbabasa ko sa 114. Pramis, tatapusin ko na talaga.

Ay naalala ko lang. Dahil mga paborito kong palabas ang Etheria at Jewel in the Palace, pinagtitiyagaan ko na lang ang Starstruck. Tutal, mga 15-20 minutes lang naman yun. Kaso lang, hindi ko talaga maiwasang mang-okray. Wala na nga silang itsura, wala pang talent! Saan naman sila pupulutin niyan? Gudlak talaga sa mga karir nila.

Hay, ang sama talaga ng ugali ng Globe! Di ako makapag-unlimited! Saktong-saktong new year pa. Pasensya na lang ang mga Globe users na bumati sa akin. Saka na lang ako magrereply pag naka-unlimited na ako.

Balak ko sanang gumawa ng “year-end report” ko pero wala na akong oras. Saka na lang siguro yun. Dami ko pang gagawin!

Maligayang bagong taon! :D


*anisah* made a wish at 7:30 PM | 0 granted her wish

*******

Thursday, December 29, 2005
Sa Mga Gumagamit ng Mozilla Firefox

Pagpasensyahan niyo na ang aking tagboard kung wala sa lugar. Kapag Internet Explorer naman ang gamit ko, maayos naman siya. Di ko rin alam kung ano ang solusyon sa problemang ito. Kung alam niyo, paki-email na lang ako (pinxtar_16@yahoo.com). Ayun lang. Salamat! :D


*anisah* made a wish at 11:43 PM | 3 granted her wish

*******

Monday, December 26, 2005
Sampung Halu-Halong Bagay

1) Wala akong ginawa kahapon kundi manood ng mga year-end countdown sa Myx, Cheaper by the Dozen, at sneak peek ng mga palabas sa HBO sa 2006. Hindi naman ako masyadong tamad ano?

2) Number 1 sa mga year-end countdown ang The Day You Said Goodnight. Yehey! Yan kasi ang favorite song ko para sa taong ito. :D (Last year naman, Hands to Heaven ang paborito ko.)

3) Tapos ko nang basahin yung The Summons ni John Grisham. Maganda naman yung kwento tsaka hindi ko inaasahan ang ending. Di ko na tinapos yung isa ko pang binili, yung Gerald’s Game ni Stephen King. Nakakasira kasi ng bait.

4) Wala pa akong substantial na nagagawa para sa acads! Next week na ang pasukan pero wala pa talaga akong nagagawang matino. Yung sections 2 at 3 pa lang ng Partnerships and Corporations ang nabasa ko, di ko pa na-absorb nang maayos. Kailangan ko ng RADIOACTIVE powers!!!

5) Speaking of radioactive powers, pakiramdam ko talaga ay humihina na ang aking memorya. Nung high school, parang ang dali para sa akin ang mag-memorize. Mga 2-3 basa lang, nasa utak ko na. Hindi na yata yun applicable sa akin ngayon. Siguro kailangan ko pang basahin ang IAS ng 12 beses bago tuluyang ma-internalize ito. Ano ba ang effective na brain food maliban sa mani?

6) Nararamdaman ko rin na stressed at harassed kaming lahat sa pasukan. Bukod sa sangkatutak na exams, nandyan din ang walang katapusang org work. Sa January pa lang yan a. Puyatan na naman!

7) Sa mga Globe users diyan: saan ba nakakakuha ng wallpaper ng SpongeBob? Wala pa kasi ako nun.

8) Nabibili na ba rito ang album ni Carrie Underwood? Tagal ko nang hinihintay yun e.

9) May official website ba ang MYMP? Kung meron man, pakisabihan naman ako. :)

10) Wala bang nagbabasa ng blog ko?! Mag-tag/comment naman kayo! :D


*anisah* made a wish at 2:07 PM | 0 granted her wish

*******

Friday, December 23, 2005
Must-See Movies and MMFF

Noong nakaraang Linggo, napanood ko na sa wakas ang Chicken Little. Wala rin siyang masyadong kuwento pero keri na rin kasi ang cute ng mga characters at medyo nakakaawa rin si Chicken Little.

Pero hindi yan ang punto ng aking entry. Mas na-excite pa kasi ako sa mga trailer na pinakita. Ang gaganda kasi ng mga pelikulang ipapalabas next year. At kahit maraming exam, okei lang yan! Dapat ay may oras para sa lahat. Hehe.

Eto ang mga pelikulang gusto kong mapanood:

1) Chronicles of Narnia
2) Cheaper by the Dozen 2
3) The Da Vinci Code (siyempre!)
4) Memoirs of a Geisha
5) Happy Feet
6) V for Vendetta (go Natalie Portman!)
7) Ice Age 2
8) X-Men 3

Hay. Kailangan nang magtipid-tipid para makanood ng sine! Owel. Coup b’etat bonding na naman ito! :D

Speaking of pelikula, ang loser ng mga kasama sa MMFF ngayon! Nasaan na ang mga quality movies?! Special effects na lang ba ang importante ngayon? Dapat kasi, pagbawalan na si Mother Lily na sumali. Siya lang naman ang kumikita kapag Disyembre e. Tama na ang Mano Po! Pati sina Bong Revilla at Vic Sotto, X na! (Hehe, Go __!) Parang sila-sila lang kasi. Tapos yung Blue Moon, na tanging drama na kasama sa MMFF, ay sa January 1 pa ipapalabas.

Isa pa, dapat ang tawag ngayon sa MMFF ay Metro Manila Fantasy Festival. Hindi naman sa sinasabi kong puro dramatic movies lang ang dapat maghakot ng awards pero please lang, dapat naman may variety sa MMFF. Kaya nga film fest e. Curious lang. Sino kaya ang magiging Best Actor and Actress? Richard Gutierrez and Angel Locsin? Jusme. Dapat yung mga tipong Maximo Oliveros ang kasama e (bitter!).

Ano na ba ang nangyayari sa pelikulang Pilipino?!


*anisah* made a wish at 10:57 PM | 4 granted her wish

*******

Friday, December 16, 2005
Sari-Saring Kuwento

Yehey! Bakasyon na! Dapat kasi nung Tuesday night pa nagsimula yung Christmas break namin kaso lang pasaway ang Econ. Pinasagot pa kami ng exercises (salamat Janno!).

Kahapon ay nagpunta kami sa SM North nina Jen, Maila, Steph, at Raymond. Manonood sana kami ng sine. Gusto yata nina Steph at Jen manood ng In Her Shoes. Kami naman ni Maila, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (mukhang nakakaaliw ito!). Kaso lang. 50% yata ng sinehan dun ay King Kong ang palabas. Owel. Kaya ayun. The Man na lang ang pinanood namin (ayaw kasi nila ng The Fog, nakakatakot daw). Wala naman talaga siyang masyadong kwento pero nakakatawa pa rin.

Na-move pala ang first exam namin sa Accounting sa January. Ibig sabihin nun, kailangan kong mag-aral ngayong bakasyon. Hindi lang yun, mukhang kailangan ko na ring magbasa-basa ng lessons namin dahil mukhang magiging busy talaga kaming lahat next year.

Maliban sa pag-aaral, eto ang mga nais kong gawin ngayong bakasyon:

1) ayusin ang layout ng aking blog
2) basahin ang John Grisham at Stephen King novels na binili ko
3) mag-aral ng MS Access para sa aming BA 186
4) lumabas kasama ang aking high school friends
5) manood ng Etheria araw-araw (oo, adik ako)
6) at siyempre, matulog!!!

Nung Tuesday pala naganap ang “revelation day” para sa aming coup b’etat kris kringle. Pero bago yan, ikukwento ko muna ang kangek-ngekan na aking nagawa habang ako’y namimili ng regalo nung Sabado. Ang nabunot ko kasi sa kris kringle ay si Lawrence. Hindi ko naman alam kung ano ang ibibigay sa kanya kaya’t naisipan kong magtanong kay (sino pa?) Rei. E di siyempre tinext ko siya habang nakikipagsiksikan ako sa Greenhills. But no. Si Lawrence pala ang natext ko! Kaya ayun, alam na niya agad na ako ang nakabunot sa kanya.

At talagang sinuwerte naman ako dahil si Kristy ang nakabunot sa akin. Nagulat talaga ako nang inabutan niya ako ng papel nung ibibigay na niya sa akin ang final gift niya. Syempre ang reaksyon ko, “Bakit naman papel lang?!” Yun pala, gagawan niya ako ng “MyOC-OC” Planner. Hehe. Especially made for OC-OCs like us!

Hay. Dalawang buwan pa lang ang 2nd sem pero parang andami nang nangyari (at siyempre, di ko makukuwento lahat yun). Sana’y maging masaya at fruitful ang aking Christmas break. :D


*anisah* made a wish at 9:25 AM | 0 granted her wish

*******

The Desperate Goddaughter


ANISAH

Harassed student. Occasional bum. Tsimay. Loves pink (duh), Pooh, Spongebob & Patrick. TV & movie addict. Bookworm. Certified chocolate & ice cream lover.

*~*~*~*

fairies dropped by

Layout by *anisah*
Image hosting by Photobucket

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com